10K frontliner tinamaan ng COVID, 63 tepok

UMABOT na sa 10,178 health workers sa bansa ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

The post 10K frontliner tinamaan ng COVID, 63 tepok first appeared on Abante.

10k frontliner tinamaan ng covid 63 tepok - 10K frontliner tinamaan ng COVID, 63 tepok
abante frontliner 3 - 10K frontliner tinamaan ng COVID, 63 tepok

UMABOT na sa 10,178 health workers sa bansa ang dinapuan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sa tala na inilabas ng Department of Health (DOH), kabilang na dito ang karagdagang 356 health worker na na-infect ng COVID-19 sa nakalipas na linggo.

Nabatid na may 9,562 na ang nakarekober mula sa sakit, matapos na makapagtala ng panibago pang 462 recoveries.

Nananatili pa naman sa 553 medical workers ang active cases pa ng virus at sumasailalim sa gamutan at quarantine.

Kaugnay nito umakyat rin naman sa 63 ang COVID-19 deaths sa hanay ng mga health workers, matapos na makapagtala ng dalawang bagong nasawi.

Kabilang rin sa tally ang mahigit 500 non-medical personnel gaya ng utility workers, security guards, at administrative staff.

Sa pinakahuling datos ng DOH, ang Pilipinas ay nakapagtala ng halos 340,000 COVID-19 cases na pinakamataas sa buong Western Pacific region.(Juliet de Loza-Cudia)

The post 10K frontliner tinamaan ng COVID, 63 tepok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *