10K Canadian namatay sa fentanyl

MAHIGIT sa 10,000 Canadian ang iniulat na nasawi dahil sa overdose mula nang magkaroon ng public health crisis noong 2016, ayon sa inilabas na datos nitong Abril 11, 2019.

The post 10K Canadian namatay sa fentanyl appeared first on Abante News Online.

10k canadian namatay sa fentanyl - 10K Canadian namatay sa fentanyl
drug abuse - 10K Canadian namatay sa fentanyl

MAHIGIT sa 10,000 Canadian ang iniulat na nasawi dahil sa overdose mula nang magkaroon ng public health crisis noong 2016, ayon sa inilabas na datos nitong Abril 11, 2019.

Sa pinakahu­ling ulat, naitala sa 3,200 ang nasawi sa unang siyam na buwan pa lamang ng 2018 at tinuturo na ang powerful painkiller fentanyl ang sanhi.

“Today’s newly released data are a stark reminder of the importance of maintaining and increasing our efforts to end the epidemic of opioid overdoses in Canada,” paha­yag ni Chief Public Health Officer Theresa Tam.

Sa mga nagdaang report, ang opioid overdose ng mga gumagamit ng feta­nyl ay mga drug addict. Pero sa ngayon ay nangyayari na ito sa mga taong lulong sa painkiller.

Ang fentanyl ay ikinukunsiderang 30 hanggang 50 beses na mabisa sa heroin at 50-100 beses namang epektibo sa morphine.

Bunsod nito ay pinaigting ng mga awtoridad sa Canada ang pagkilos para matuldukan ang mga opioid death katulad ng malawakang distribusyon ng mga naloxone kit para gamutin ang overdose.

Naglaan din ang Ottawa ng karagdagang Can$30 million (US$22 million) para pondohan ang epidemic.

The post 10K Canadian namatay sa fentanyl appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *