1,084 pasaway sa ordinansa huli

UMABOT sa 1,084 na pasaway ang nahuli sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement (SACLEO) sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

The post 1,084 pasaway sa ordinansa huli appeared first on Abante News Online.

1084 pasaway sa ordinansa huli - 1,084 pasaway sa ordinansa huli
huli 1 - 1,084 pasaway sa ordinansa huli

By Vick Aquino

UMABOT sa 1,084 na pasaway ang nahuli sa ikinasang magdamagang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement (SACLEO) sa mga residenteng hindi sumusunod sa ordinansang ipinatutupad ng pamahalaang lokal na sakop ng mga lungsod ng Pasig, Mandaluyong, Marikina at San Juan.

Ayon kay Eastern Police District (EPD) Director PBGen. Christopher Tambungan, patuloy ang pagsasagawa ng SACLEO ng mga tauhan ng EPD na ikinakasa sa magdamagang operation na nagtapos kahapon nang umaga.

Batay sa report, nasa 10 katao ang inaresto sa drinking in public places, nasa 165 katao ang arestado sa smoking ban, 28 ang huli sa kasong half naked o walang damit pang-itaas na kadalasang lalaki ang nahuhuli, 40 ang nahu-ling kabataan na pagala-gala sa kalsada at nasa 841 ang nahuli pa sa ibang paglabag sa batas.

Sa kabuuan, nasa 761 mga pasaway ang nahuli sa Pasig City, 243 ang arestado ng Mandaluyong Police, 38 katao ang nahuli sa Marikina habang nasa 42 katao ang inarestong pasaway sa San Juan City.

The post 1,084 pasaway sa ordinansa huli appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *