106 patay sa leptospirosis

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque na umabot na sa 106 ang nasawi sa leptospirosis simula nitong Enero hanggang Hulyo 27, ngayong taon.

106 patay sa leptospirosis - 106 patay sa leptospirosis
ABANTE duque - 106 patay sa leptospirosis

Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque na umabot na sa 106 ang nasawi sa leptospirosis simula nitong Enero hanggang Hulyo 27, ngayong taon.

Ito umano ay mas mababa kumpara sa 2,618 na kaso ng leptospirosis na naitala noong 2018. Ang kasalukuyang kaso ng leptospirosis ay naitala sa 916 pa lamang.

Gayunman, sinabi ni Duque na inaasahan na tataas pa ang nabanggit na bilang dahil panahon pa ng tag-ulan.

“Hindi na sumipa ito pero mahaba pa rin ang panahon dahil ang tag-ulan halos itong October we expect more rains and therefore more flood waters, no. So, this is actually much lower, which is actually good news, compared to last year, same reporting period by 166 percent,” ayon kay Duque.

Nabatid na ang National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na kaso na nasa 307, sumunod ay ang Region 6 at Region 5.

Sinabi ni Duque na nangangahulugan umano ito na marumi sa Metropolis.
Kaugnay nito ay pinayuhan ni Duque ang mga LGU na magpatupad ng mga information education at communications campaign strategy laban sa leptos­pirosis.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *