105K sundalo nganga sa ₱12.8B RSBS refund

SINABIHAN ng Commission on Audit ang Armed Forces of the Philippines Retirement and Separation Benefits System (AFP-RSBS) na ayusin ang mga record nito at i-credit sa tamang miyembro ang P12.8 bilyong tinatawag na unrecognized balance.

105k sundalo nganga sa e282b112 8b rsbs refund - 105K sundalo nganga sa ₱12.8B RSBS refund
ABANTE sundalo - 105K sundalo nganga sa ₱12.8B RSBS refund

SINABIHAN ng Commission on Audit ang Armed Forces of the Philippines Retirement and Separation Benefits System (AFP-RSBS) na ayusin ang mga record nito at i-credit sa tamang miyembro ang P12.8 bilyong tinatawag na unrecognized balance.

Ang AFP-RSBS ay ang katumbas sana ng SSS at GSIS para sa mga sundalo na dini-deactivate na ng pamahalaan at nagsasagawa ng refund program para maibalik na ang mga contribution ng 105,200 na mga mi­yembro nito.

Ayon sa CoA, ang plano ay makakalap ng P16 bilyon para ma-refund lahat ng member contribution kasama na ang interes. Inaprubahan ng Board of Liquidators ang accelerated refund program noong Disyembre 2018 kung saan ibabalik na sa lahat ng mga miyembro ang kanilang mga contribution kasama na ang interes sa loob ng tatlong taon.

Ayon sa 2018 Annual Audit Report ng AFP-RSBS, P9.6 bilyon sa mga contribution ng mga sundalo ang hindi naka-reconcile sa kanilang mga account. Ang mga contribution na ito ay kumita na rin ng P3.2 bilyon na interes na kasama sa kabuuang unreconciled balance. Dapat isang sundalo ay may sarili niyang ledger kung saan naka-record ang kanyang contribution subalit hindi ito naipakita ng AFP-RSBS sa audit team.

Sabi ng CoA, hindi naa-update ng AFP-RSBS ang record ng mga sundalo sa kanilang individual ledger.

Ipapasa na dapat ang AFP-RSBS sa isang government financial institution na magiging trustee ngunit hindi pa ito magawa dahil sa mga magulong record.
“The system owes it to its members to have a complete, updated and accurate individual SL (subsidiary ledger) of MC (member contribution) since this will be the basis in the computation of the members’ refund and the corresponding interest thereon, which their inability to do so affects the members’ claims benefits and the attainment of the mandate of AFP-RSBS,” sabi ng CoA.

Sinabi ng AFP-RSBS na may record naman ito ng mga member contribution, advance refund, at refund ngunit meron lang ilang mga contribution na hindi na post na kanila pang dino-double check. Dagdag pa ng management ng AFP-RSBS, minamadali na nito ang pagre-refund ng mga contribution para matapos ito sa loob ng tatlong taon.

Pinasisiguro ng CoA sa AFP-RSBS na tama ang ikre-credit nitong contribution ng mga sundalo at ang mga interes sa kanilang bawat contribution.

“As the custodian of soldiers’ contributions, every single centavo collected must be accounted for and returned to the soldiers,” sabi ng CoA. (Eileen Mencias)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *