100K COVID19 positive sa Agosto tanggap ng DOH

Inaasahan na rin ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na umabot sa 100,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID19 sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

The post 100K COVID19 positive sa Agosto tanggap ng DOH first appeared on Abante.

100k covid19 positive sa agosto tanggap ng doh - 100K COVID19 positive sa Agosto tanggap ng DOH
covid 6 - 100K COVID19 positive sa Agosto tanggap ng DOH

Inaasahan na rin ng Department of Health (DOH) ang posibilidad na umabot sa 100,000 ang bilang ng mga nagpositibo sa COVID19 sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Nabatid na muling tinaya ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP) na posibleng umabot sa 100,000 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa sa pagtatapos ng buwan ng Agosto.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na lagi naman nilang tinatanggap ang anumang pagtataya ng mga eksperto hinggil sa posibleng kahinatnan ng sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon pa sa opisyal, ginagamit nilang batayan ang mga ganitong ulat ng mga eksperto bilang babala para malaman na rin kung gaano kabilis ang pagkalat ng virus sa bansa.

Una nang tinaya ng mga eksperto na aabot sa 30,000 ang bilang ng mga nagpo positibo sa virus bago matapos ang Hulyo.
Nabatid na sa kasalukuyan, nasa mahigit 51,000 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID19.(Juliet de Loza-Cudia)

The post 100K COVID19 positive sa Agosto tanggap ng DOH first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *