100 BOC personnel masisibak — Duterte

MAS malaking bilang ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nakalinyang maalis sa puwesto sa mga susunod na araw.

The post 100 BOC personnel masisibak — Duterte appeared first on Abante News Online.

100 boc personnel masisibak duterte - 100 BOC personnel masisibak — Duterte
ABANTE Duterte 5 - 100 BOC personnel masisibak — Duterte

MAS malaking bilang ng mga kawani ng Bureau of Customs (BOC) ang nakalinyang maalis sa puwesto sa mga susunod na araw.

Inihayag ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng Candon City bypass road sa Ilocos Sur, Huwebes nang hapon.

Ayon sa Pangulo, talamak na ang katiwalian sa ahensya kaya may 100 pang mga kawaning isusunod na kakalusin.

Nakatakda namang i-terminate aniya sa susunod na linggo ang 64 Customs employee na naunang inilagay sa floating status at ipinatawag sa Malacañang noong nakalipas na linggo.

“‘Yung Bureau of Customs wala ‘yan. But I have to kick them out, sixty-four of them will be terminated next week, and 100 is coming,” anang Pangulo.

Pero sa kabila ng matinding problema sa korapsyon sa BOC, nananatili pa rin ang tiwala ni Pangulong Duterte kay Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero. (Aileen Taliping)

The post 100 BOC personnel masisibak — Duterte appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *