10 rehiyon critical level na sa dengue — DOH

NASA 10 rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mga kasong dengue na lampas na sa epide­mic threshold.

10 rehiyon critical level na sa dengue doh - 10 rehiyon critical level na sa dengue — DOH
dengue 11 - 10 rehiyon critical level na sa dengue — DOH

NASA 10 rehiyon sa bansa ang nakapagtala ng mga kasong dengue na lampas na sa epide­mic threshold.

Sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III, kabilang dito ang Calabarzon region, Mimaropa at Region 5,6,7,8,9,10,12 at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ang epidemic threshold ay ang kritikal na bilang o density ng susceptible host para maganap ang isang epidemic.

Ito ay ginagamit para makumpirma ang pagkakaroon ng epide­mic at makapagsagawa ng kaukulang hakbang upang solusyunan ito.

Magugunita na nitong Martes lamang ay nagdeklara ang DOH ng national dengue epidemic sa bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng mga taong tinatamaan ng dengue, na umabot ng 167,607 na kaso hanggang nitong Hulyo 27.

Ito umano ay mas mataas ng 96% o 85,011 kaso ng dengue noong 2018.

Kaugnay ito, sinabi ni Duque sa kabila ng pagtaas ng kaso ng dengue, mas malala pa rin ang mga kaso ng sakit sa iba pang bansa sa Asean gaya ng Lao People’s Democratic Republic, Vietnam, Thailand, Indonesia at Singapore, kung saan tumaas ng triple ang naitalang kaso ng dengue ngayong taon.

Sinabi naman ng World Health Organization (WHO), tuwing ikatlo hanggang ikaapat na taon ay tumataas ang dengue cases, pero hindi pa batid ang rason sa likod ng naturang phenomenon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *