10 medalya nabingwit ng PH Paradragon Elite Team

TINANGHAL na World Champion ang Philippine Paradragon Elite Team matapos makakuha ng sampung medalya sa katatapos na 14th International Dragon Boat Federation (IDBF) World Nations Championship noong Agosto 25 sa Pattaya, Thailand.

10 medalya nabingwit ng ph paradragon elite team - 10 medalya nabingwit ng PH Paradragon Elite Team
ABANTE Paradragon - 10 medalya nabingwit ng PH Paradragon Elite Team

TINANGHAL na World Champion ang Philippine Paradragon Elite Team matapos makakuha ng sampung medalya sa katatapos na 14th International Dragon Boat Federation (IDBF) World Nations Championship noong Agosto 25 sa Pattaya, Thailand.

Ang Philippine Paradragon Elite Team ay kinabibilangan ng mga atleta mula sa Philippine Accessible Disability Services Inc. (PADS) ay naging world champion matapos makakuha ng apat na medalyang ginto.

Bukod pa sa dalawang silver at apat na bronze na nakuha nila sa katatapos na 14th (IDBF) World Nations Championship.

Ang elite team ng Pilipinas ang kauna-unahang champions sa paradragon category sa IDBF World Championship.

Gusto umanong ialay ng dragon boat ra­cing team ang kanilang makasaysayang panalo sa lahat ng Filipino with disabilities.

“We offer this to every­ Filipino especially those with disabilities. May our victory bring a resonating sound of hope that anything is possible in sports,” ayon kay PADS Team Manager JP Maunes.

“We are totally overwhelmed right now to be part of history here at the IDBF world championships. It’s a mission accomplished for the team. It is truly an honor for us to serve our country and bring pride and honor to the Filipino people. May our victory give hope and inspiration to every Filipino despite the adversaries­ they are facing­ right now,” dagdag ni Maunes. ­(Juliet de Loza-Cudia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *