10 kolektor ng ‘loteng’ nasakote

NASAKOTE ng puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 10 kolektor na kasabwat sa illegal number game na loteng matapos ang mahigpit na pagpapatupad ng Pangulong Duterte sa kampanya kontra sa illegal gambling.

10 kolektor ng loteng nasakote - 10 kolektor ng ‘loteng’ nasakote
ABANTE anti gambling op baguio sugarol - 10 kolektor ng ‘loteng’ nasakote

NASAKOTE ng puwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang 10 kolektor na kasabwat sa illegal number game na loteng matapos ang mahigpit na pagpapatupad ng Pangulong Duterte sa kampanya kontra sa illegal gambling.

Ayon kay NCRPO Dir. Guillermo Eleazar, arestado ang isang bet supervisor, 10 bet collector at isa ring hinuli dahil sa obstruction of justice matapos hara­ngan ang mga operatiba sa pagsalakay ng ‘loteng’ sa ikinasang magkakahiwalay na gambling raid sa Metro Manila particular na sa Quezon City, Parañaque City, Pasig City at Las Piñas City.

Arestado sina Francisco Buno, Alfredo Combalacer, Criselda dela Cruz, Joselito de Pablo at Amado de Pablo habang si Arthur Flores naman ay naresto nang tangkaing pigilan ang pagre-raid ng mga pulis sa Bagumbuhay St., Barangay Baclaran, Sabado nang hapon sa Parañaque City.

Sa Quezon City, inaresto sina Analyn Esquillo habang sina Erlinda San Jose at Jean Bernal ay nahuli sa Las Piñas City raid at sa Brgy. Santolan sa Pasig City ay dinampot sina Carmelita Dioneda, Orbe Ulijan at Arlin Santos.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang gambling paraphernalia, bet money na nagkakahalaga ng P5,000 at mga bet card para sa EZ2 at 6/42.

Una nang nakipag-ugna­yan ang NCRPO sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para masakote ang mga nagpapataya ng loteng.

Patuloy ang pagsasagawa ng raid ng NCRPO para tuluyang masawata ang mga illegal gambling operator. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *