10 kilo bigas palit sa rapid test

Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan ang mga residente na sumailalim sa expanded targeted rapid testing, kapalit ng 10 kilo ng bigas.

The post 10 kilo bigas palit sa rapid test first appeared on Abante.

10 kilo bigas palit sa rapid test - 10 kilo bigas palit sa rapid test
Covid - 10 kilo bigas palit sa rapid test

Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Cabanatuan ang mga residente na sumailalim sa expanded targeted rapid testing, kapalit ng 10 kilo ng bigas.

Sinimulan ang testing sa lugar noong nakaraang linggo, gayunman mababa umano ang turn-out ng mga nagpapa-rapid test na residente. “Siguro ‘yung iba ay natatakot o nahihiya, kaya maganda lang ang resulta sa Brgy. Pagas na naka-60 percent,” ayon kay Eugene Mintu, city implementor at head ng city disaster risk reduction management officer.

Ipinaliwanag ni City Mayor Myca Vergara na ipinaubaya sa mga barangay officials ang paglilista sa mga inanyayahan para sa libreng rapid testing na kapag nagpositibo ay pagkakalooban din ng swab testing.

“Lahat po ng mararapid test bibigyan po ng 10 kilo rice at kapag kinailangang ma-isolate while waiting swab test result bibigyan ng food assistance while on quarantine” dagdag nito. (Jojo De Guzman)

The post 10 kilo bigas palit sa rapid test first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *