10 hotel sa El Nido pinasara ng DENR

IPINASARA ng Department of Environment and Na-tural Resources (DENR) ang 10 hotel makaraang mapatunayang nagtatapon ng kanilang basura sa Bacuit Bay, El Nido.

The post 10 hotel sa El Nido pinasara ng DENR appeared first on Abante News Online.

10 hotel sa el nido pinasara ng denr - 10 hotel sa El Nido pinasara ng DENR
El Nido - 10 hotel sa El Nido pinasara ng DENR

IPINASARA ng Department of Environment and Na-tural Resources (DENR) ang 10 hotel makaraang mapatunayang nagtatapon ng kanilang basura sa Bacuit Bay, El Nido.

Ayon kay Michael Drake Matias, director ng Environmental Management Bureau of Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan)-DENR, ang nasabing mga establishments sa Palawan na top tourist destination ay lumabag sa Clean Water Act of 2004.

Lumagpas umano sa itinakdang limit ng pollutant ang wastewater ng 10 hotel na mula sa apat na villages sa El Nido, ayon kay Matias.

Kasama sa inisyuhan ng cease and desist order (CDO) noong Miyerkoles ng DENR ang El Nido Sea Shell Resorts and Hotel sa Barangay Buena Suerte; Doublegem Beach Resort and Hotel, Buko Beach Resort, Panorama Resort (Mangonana Inc.), Four Seasons Seaview Hotel; Stunning Republic Beach Resort sa Brgy. Corong-Corong; Sava Beach Bar/Sava Nest Egg Inc.; El Nido Beach Hotel at The Nest El Nido Resorts and Spa Inc. sa Brgy. Masagana.

Pinatawan din ng CDO ng Pollution and Adjudication Board ang Cuna Hotel sa Bgy. Maligaya matapos na mapatunayan na naglalabas ito ng ‘blackish and foul-smelling’ wastewater.

“The result of the laboratory analysis on the wastewater taken from said establishments went beyond the DENR General Effluent Standards for Biochemical Oxygen Demand (BOD),” lahad ni Matias. (Tina Mendoza)

The post 10 hotel sa El Nido pinasara ng DENR appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *