10 CAAP exec may P500M insurance

SINITA ng Commission on Audit (CoA) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa pagkuha ng P500 milyong insurance policy para sa sampu nilang opisyal.

10 caap exec may p500m insurance - 10 CAAP exec may P500M insurance
ABANTE caap - 10 CAAP exec may P500M insurance

SINITA ng Commission on Audit (CoA) ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) dahil sa pagkuha ng P500 milyong insurance policy para sa sampu nilang opisyal.

Sa 2018 annual audit report ng CoA, kinuwestiyon ng mga auditor ang kinuhang insurance sa United Coconut Planter’s Assurance Corporation (Cocolife) nang walang approval ng Board, walang malalim na pag-aaral sa nasabing investment at hindi paglalagay ng maayos na criteria sa pagpili ng sampung opisyal na bibigyan ng insurance.

Nabatid na noong Hulyo 2017, nag-isyu ng sertipikasyon si corporate board secretary, Atty. Victor Eleazar upang pahintulutan ang investment ng pondo sa special savings, time deposit at trust account.

Hindi naman tumutol ang mga Board of Director nang iprisinta sa kanila ang Cocolife insurance placement noong Disyembre 13, 2018.

Ngunit ayon sa CoA, kailangang may board resolution at pirmado ng mga miyembro ang investment sa Cocolife.

Natuklasan pa ng CoA sa minutes ng December 13 meeting na ipinagbigay-alam lamang sa Board ang proposed investment insurance at hindi naman pinaaprubahan.

Matapos ang board meeting, kinabukasan ay inilipat na ng CAAP ang P500 milyon sa savings account ng Cocolife.

Binanggit pa sa CoA report na kung sa Treasury bonds o Treasury bills nag-invest ang CAAP, mas malaki pa ang kikitain nila.

Kinuwestiyon din ang pagpili ng mabibigyan ng insurance. Bagama’t may 30 opisyal ang sumalang sa medical exam, nakapagtatakang mga ‘key men’ ang nakalusot tulad ng corporate secretary, executive director, area center manager at head ng finance department.

Sa sampung nabigyan ng insurance, 2 ang political appointee kaya’t kapag sinibak sila ng Pangulo o kaya’t matapos ang termino sa 2022, bitbit nila ang insurance dahil non-transferable ito.

Inirekomenda ng CoA sa CAAP na bawiin ang P500 milyong binayad sa Cocolife at ilipat ito sa ibang government financial institution na may malaking tubo sa puhunan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *