1 sa bawat 3 batang Pinoy, bansot — Anakalusugan

ISINUSULONG ng Anakalusugan Party-list na ga­wing libre ang vitamins sa ilalim ng Universal Health Care sa harap ng datos na isa bawat tatlong batang Pilipino na may edad na limang taon pababa ay malnourished o stunted ang paglaki (bansot).

The post 1 sa bawat 3 batang Pinoy, bansot — Anakalusugan appeared first on Abante News Online.

1 sa bawat 3 batang pinoy bansot anakalusugan - 1 sa bawat 3 batang Pinoy, bansot — Anakalusugan
anak - 1 sa bawat 3 batang Pinoy, bansot — Anakalusugan

ISINUSULONG ng Anakalusugan Party-list na ga­wing libre ang vitamins sa ilalim ng Universal Health Care sa harap ng datos na isa bawat tatlong batang Pilipino na may edad na limang taon pababa ay malnourished o stunted ang paglaki (bansot).

Ayon kay Anakalusugan Party-list nominee Mike Defensor, bumagsak ang ranking ng Pilipinas (pang-104 na puwesto noong 2018 mula sa pang-95 noong 2017) sa listahan ng mga best and worst countries para sa mga kabataan.
“Prevention is always better than cure. Hindi natin dapat isugal ang kalusugan ng ating mga anak,” ani Defensor.

“Para maging tunay na inclusive at responsive ang UHC sa mga problemang pangkalusugan ng bansa, hindi ito dapat tumutok lamang sa curative na aspeto ng health care. Ang tunguhin natin dapat ay iwasan ang magkasakit, at ang libreng bitamina ay makakatulong ng malaki para maibaba ang bilang ng mga malnourished o bansot na mga batang Pilipino,” dagdag pa niya.

Ayon sa international group na Save The Children, naging mahina ang Pilipinas sa pagsawata ng severe malnutrition.

Hinikayat din ni Defensor ang maayos na implementasyon ng First 1,000 Days Act na naglalayong alagaan ang nutrisyon ng mga bata mula sa unang 270 araw sa sinapupunan ng ina hanggang sa ikalawang kaarawan nito.

Tinukoy din ni Defensor ang Children in Emergency and Relief Act na tumutugon sa mga pangangailangan ng mga kabataan bago, habang at pagkatapos ng isang disaster o emergency.

The post 1 sa bawat 3 batang Pinoy, bansot — Anakalusugan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *