1 patay, 2 kritikal sa pananaga

1 patay, 2 kritikal sa pananaga

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang live-in partner at anak nito matapos na pagtatagain sa Mulanay, Quezon noong Biyernes nang gabi.

The post 1 patay, 2 kritikal sa pananaga appeared first on Abante News Online.

1 patay 2 kritikal sa pananaga - 1 patay, 2 kritikal sa pananaga
itak - 1 patay, 2 kritikal sa pananaga

Patay ang isang lalaki habang sugatan ang live-in partner at anak nito matapos na pagtatagain sa Mulanay, Quezon noong Biyernes nang gabi.

Kinilala ang biktima na si Nonito Maderazo, 42-anyos, na agad nasawi matapos magtamo ng mga tama ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Kritikal naman sa ospital ang kinakasama nito na si Genalyn Agapay, 46, at ang anak nito na si Marwin Agapay, 21.

Ayon sa report ng Mulanay PNP, ang mga biktima ay pinagtataga ng suspek na si Eddie Peñaflo, habang masayang nag-iinuman sa isang bahay sa Barangay Anonang, alas-8:30 nang gabi.

Hindi naman umano kainuman ang suspek na big­la na lamang dumating sa lugar at inatake ang tatlo.

Agad din itong tumakas matapos ang pananaga.

Isinugod naman sa Catanauan District Hospital ang dalawa subalit agad ding inilipat sa Quezon Medical Center sa Lucena City dahil sa malubhang kalagayan.

Inaalam pa ng mga pulis ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

The post 1 patay, 2 kritikal sa pananaga appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *