1 pang nakagapos na bangkay naanod sa Taal Lake

ISA pang nakagapos na bangkay ng lalaki ang muling bumulaga sa mga residente sa Barangay Ambulong na nasa baybayin ng Taal Lake sakop ng Tanauan City.

1 pang nakagapos na bangkay naanod sa taal lake - 1 pang nakagapos na bangkay naanod sa Taal Lake
DEAD BODY1 - 1 pang nakagapos na bangkay naanod sa Taal Lake

ISA pang nakagapos na bangkay ng lalaki ang muling bumulaga sa mga residente sa Barangay Ambulong na nasa baybayin ng Taal Lake sakop ng Tanauan City.

Sabado ng alas-nuwebe nang umaga nang maanod sa dalampasigan ang bangkay na hinihinalang kasamahan ng unang nadiskubre noong Biyernes nang tanghali.

Kapwa nakagapos din ang mga kamay nito at ka­tulad ng naunang nakita sa parehong lugar, may ka­kabit itong sako na hinihinalang may lamang pampabigat para lumubog ang mga bangkay.

Unang inakala ng mga nakakita na katawan lamang ng namatay na hayop ang kanilang natatanaw na palutang-lutang sa laot, subalit nang mapadpad sa dalampasigan ay natuklasan na bangkay ito ng isang lalaki. (Ronilo Dagos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *