1 pang cong positibo sa virus

Kinumpirma ni Deputy Speaker Johnny Pimentel na positibo ito sa COVID-19 dahilan para hindi ito nakasipot sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

1 pang cong positibo sa virus - 1 pang cong positibo sa virus
Johnny Pimentel - 1 pang cong positibo sa virus

Kinumpirma ni Deputy Speaker Johnny Pimentel na positibo ito sa COVID-19 dahilan para hindi ito nakasipot sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nalaman ni Pimentel na positibo ito sa COVID matapos ang isinagawang swab test noong Linggo bilang isa sa requirement sa mga dadalo sa pagbubukas ng Second Regular Session at panlimang SONA ng Pangulo kung saan ay kabilang dapat ito.

“At 11:30 p.m. Dr. Dizon of Congress called me and told me I’m positive. Later on, he sent thru my email the result also,” paliwanag ni Pimentel.

Maliban kay Pimentel ay nauna nang kinumpirmang positibo rin sa COVID si Sulu 1st District Rep. Samier Tan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *