1 araw bago ang deadline: 1K convict magiging pugante

HIGIT sa 1,000 convict na lumaya dahil sa Good Conduct Time Allo­wance (GCTA) Law ang hindi pa sumusuko, isang araw bago matapos ang 15 araw na deadline na binigay ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

1 araw bago ang deadline 1k convict magiging pugante - 1 araw bago ang deadline: 1K convict magiging pugante
Abante Jailed - 1 araw bago ang deadline: 1K convict magiging pugante

HIGIT sa 1,000 convict na lumaya dahil sa Good Conduct Time Allo­wance (GCTA) Law ang hindi pa sumusuko, isang araw bago matapos ang 15 araw na deadline na binigay ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte.

Kung hindi sila susuko sa tinakdang deadline bukas, Setyembre 19, ituturing na silang pugante.

Sa datos ng Department of Justice (DOJ), nitong Martes, alas-8:20 nang umaga, umabot na sa 692 ang mga Person Deprived of Liberty (PDL) na boluntaryong sumuko at nasa kostodiya na ng Bureau of Corrections (BuCor).

“As of 8:20am, 17 September 2019, 692 prematurely released PDLs on account of RA 10592 have surrendered and are now in BuCor’s custody,” ayon kay Spokesman at Usec. Markk Perete.

Nanawagan din si BuCor Spokesman Captain Sonny Del Rosario sa iba pang PDL na sumuko na bago matapos ang deadline.

Sinabi ni Del Rosario, sa oras na hindi sumuko ang mga natitira pang mga inmate ay maituturing na silang pugante at maaaring arestuhin kahit walang warrant

“Wala pa po sa kalahating bilang na napalaya sa ilalim ng GCTA Law ang sumuko simula nang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na lahat nang pinakawalan ng BuCor ay sumuko sa loob ng 15 araw,” ani ni Del Rosario.

Sa datos ng BuCor, 437 ang nasa pangangalaga ng New Bilibid Prison (NBP) sa minimum security compound sa Muntinlupa City habang ang iba ay nasa Davao Prison and Penal Farm, Correctional Institution for Women, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro, Leyte Regional Prison at Iwahig Prison and Penal Farm. (Lorraine Gamo/Armida Rico)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *