1.3M college student nalibre sa matrikula

Nakalibre sa bayad sa matrikula ang nasa 1.33 milyong mag-aaral ng kolehiyo sa ilalim ng Free Higher Education Law noong 2019.

The post 1.3M college student nalibre sa matrikula first appeared on Abante.

1 3m college student nalibre sa matrikula - 1.3M college student nalibre sa matrikula
student - 1.3M college student nalibre sa matrikula

Nakalibre sa bayad sa matrikula ang nasa 1.33 milyong mag-aaral ng kolehiyo sa ilalim ng Free Higher Education Law noong 2019.

Nilinaw ng Commission on Higher Education (CHED) na bukod sa libreng matrikula, nagdagdag din sila ng beneficiaries para sa Tertiary Education Scholarship na nasa 288,000 beneficiaries mula 2018 at umabot na sa 557,000 nakaraang taon.

Ayon kay CHED chairperson Prospero de Vera, nasa 1.79 million college students ang naging beneficiaries ng libreng pag-aaral ng pamahalaan.

Sinabi pa ni De Vera na na-challenged sila sa pagpapalabas ng pondo para sa libreng matrikula at miscellaneous fees dahil na rin sa administrative at manpower issues na kinakaharap ng CHED na kung saan wala pang 1,000 ang manpower nito at nasa 600 lamang ang nasa plantilla position.

Samantala, umaasam ang CHED na bibigyan ng P50.928 billion pondo para sa 2021 na nasa 6.39% ang itataas mula sa P47.906 billion budget ng 2020. (Vick Aquino)

The post 1.3M college student nalibre sa matrikula first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *