1, 215 pasahero, truck driver stranded sa bagyong Quinta

Umabot sa 1,215 pasahero, truck driver at cargo helper ang na-stranded sa Southern Tagalog at Eastern Visaya dahil sa bagyong Quinta.

The post 1, 215 pasahero, truck driver stranded sa bagyong Quinta first appeared on Abante.

1 215 pasahero truck driver stranded sa bagyong quinta - 1, 215 pasahero, truck driver stranded sa bagyong Quinta
abante stranded - 1, 215 pasahero, truck driver stranded sa bagyong Quinta

Umabot sa 1,215 pasahero, truck driver at cargo helper ang na-stranded sa Southern Tagalog at Eastern Visaya dahil sa bagyong Quinta.

Sa ipinalabas na update ng Philippine Coast Guard (PCG), alas 8 ng umaga ay may 649 rolling cargoes, 50 vessels at 10 motorbanca rin ang hindi pinayagan na makapaglayag.

Habang may 75 vessels at 25 motorbancas ang sumilong dahil sa posibleng banta ng tropical depression.

Nabatid sa PCG Command Center na nasa 24/7 nationwide monitoring ang ipinatutupad sa galaw ng mga barko sa panahon ng bagyo.

Samantala naka- standby naman ang Coast Guard Districts, Stations, at Sub-Stations sa bansa para sa biglaang mga pangyayari.

Nakipag ugnayan na rin ang PCG sa mga local government units (LGUs) at disaster response teams.

Nakahanda na rin ang mga deployable response groups (DRGs) ng PCG partikular sa Southern Tagalog, Bicol, at Eastern Visayas kung saan nakapagtala ng mga stranded na pasahero, truck driver, at cargo helper, gayundin ang mga barko, bangka, at mga kargamento.

Pinapaalalahanan rin ng PCG ang mga residente na manatili sa kanilang tahanan para makaiwas sa epekto ng sama ng panahon.

Binibigyan rin ng karagdagang paalala ang mga lokal na mangingisda na patuloy na makinig ng balita para manatiling ‘updated’ sa lagay ng panahon at makatulong sa pagdedesisyon sa pagpalaot sa karagatan.

Kaugnay nito mahigit 600 indibiduwal na papunta sanang Mindanao ang stranded sa Matnog Port sa Sorsogon matapos kanselahin ang mga biyahe dahil sa bagyong Quinta.(Juliet de Loza-Cudia)

The post 1, 215 pasahero, truck driver stranded sa bagyong Quinta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *