₱95B pork ni Gloria namumurong ibasura ni Duterte – Ping

MAY posibilidad na dalhin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Korte Suprema ang usapin sa General Appropriations Act (GAA) 2019 kung hindi ibe-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestyunableng probisyon.

The post ₱95B pork ni Gloria namumurong ibasura ni Duterte – Ping appeared first on Abante News Online.

e282b195b pork ni gloria namumurong ibasura ni duterte ping - ₱95B pork ni Gloria namumurong ibasura ni Duterte – Ping
duterte 45 - ₱95B pork ni Gloria namumurong ibasura ni Duterte – Ping

MAY posibilidad na dalhin ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa Korte Suprema ang usapin sa General Appropriations Act (GAA) 2019 kung hindi ibe-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kuwestyunableng probisyon.

Gayunman, kumpiyansa ani­ya siya kay Pangulong Duterte na susundin ang tama at tatanggalin ang ginawang post-bicam realignment ng Kamara sa 2019 budget.

“I might. But we’re confident the President will veto the items.

Kasi pinakuha ni ES (Executive Secretary Salvador) Medialdea ang detalye ng mga sinasabi naming ni-realign. Pinakuha rin ni SOF (Finance Secretary Carlos)Dominguez and pinakuha rin ng (Secretary of Budget and Management) SBM, what would that indicate?” paliwanag ni Lacson.

Aminado ang senador na lubhang nakakapagod kung dadalhin sa Korte Suprema ang usapin.

“Napaka-tedious ng process, maghanap ng lawyer. Sabi ko nga I might just question it. Pero I’ll just cross the bridge when I get there. Kasi malaki naman ang indication na ive-veto,” diin ni Lacson.

Kabilang sa kinuwestyon ng Senado sa budget ang realignment ng Kamara sa P75 bilyon na proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa iba’t ibang distrito. Umaabot sa P95 bilyon ang realignment ng Kamara na itinanggi ni House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na siya ang may pakana. (Dang Samson-Garcia)

The post ₱95B pork ni Gloria namumurong ibasura ni Duterte – Ping appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *