₱3.757T 2019 national budget pipirmahan na ni Digong

MAY abiso umano sa mga miyembro ng Kamara na pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na linggo ang 2019 General Appropriations Bill (GAB).

The post ₱3.757T 2019 national budget pipirmahan na ni Digong appeared first on Abante News Online.

e282b13 757t 2019 national budget pipirmahan na ni digong - ₱3.757T 2019 national budget pipirmahan na ni Digong
duterte 2 2 - ₱3.757T 2019 national budget pipirmahan na ni Digong

MAY abiso umano sa mga miyembro ng Kamara na pipirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na linggo ang 2019 General Appropriations Bill (GAB).

“Ang budget natin? ‘Yan ang matagal na nating hinihintay. Merong advice sa amin na anytime soon ay talagang mapipirmahan na ni President,” paghahayag ni Zambales Rep. Cheryl Deloso-Montalla.

Matatandaan na ang P3.757 trillion budget para sa 2019 ay ipinadala ng Senado sa Malacañang nitong Marso 26, ngayong taon, matapos ang halos dalawang buwan na girian sa Kamara.

“Kami dito sa ibaba, we’ll support kung ano ‘yung decision ng House leaders,” sabi ni Deloso-Montalla na chairperson ng House committee on human rights.

Samantala, tiniyak ng lady solon sa kanyang mga constituent na ang pondo para sa kanilang distrito ay ­areglado na.

“Most of the funds naman allocated to our district are already set up so hindi naman maapektuhan ito. Mga minor na lang ang maaapektuhan so okay lang sa amin,” sabi nito.

Ngunit sa hiwalay na pagtatanong ng Abante kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, sinabi nitong wala pa siyang natatanggap na abiso sa Malacañang kung kailan pipirmahan ang national budget. (Aries Cano)

The post ₱3.757T 2019 national budget pipirmahan na ni Digong appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *