₱3.2M shabu, marijuana nasabat sa Mt. Province

TINATAYANG P3.2 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat ng pulisya sa isang checkpoint sa Alab Proper, Bontoc, Mountain Province.

The post ₱3.2M shabu, marijuana nasabat sa Mt. Province appeared first on Abante News Online.

e282b13 2m shabu marijuana nasabat sa mt province - ₱3.2M shabu, marijuana nasabat sa Mt. Province
shaub - ₱3.2M shabu, marijuana nasabat sa Mt. Province

TINATAYANG P3.2 milyong halaga ng shabu at marijuana ang nasabat ng pulisya sa isang checkpoint sa Alab Proper, Bontoc, Mountain Province.

Sa ulat mula sa Police Regional Office Cordillera, naharang ng mga tauhan ng Bontoc Municipal Police Station ang mga suspek na kinilalang sina Arvin Pino Viglia at Jun Rudly Reyes Pascual habang binabagtas ang Halsema Highway sa Kalinga.

Papunta sana ang mga suspek sa Baguio City pero napansin ng mga nagbabantay na pulis sa lugar ang dalawang sako na karga ng sinasakyang SUV.

Sa isinagawang inspeksyon, dito na nadiskubre ang 12 piraso ng tubular marijuana at 21 piraso ng marijuana bricks, 5 pakete ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at kalibre .45 na baril.

Nabatid na ang marijuana ay may bi­gat na 26 kilo habang ang mga hinihinalang shabu naman ay may bigat na 16.6 grams.

Nanatili sa kustodiya ng Bontoc Police ang dalawang suspek na mahaharap naman sa paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. ­(Edwin Balasa)

The post ₱3.2M shabu, marijuana nasabat sa Mt. Province appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *