₱3.2M isdang huli sa dinamita nasabat

NASAKOTE ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fish and Aqua­tic Resources (BFAR) ang isang cargo vessel na may lulan na P3.2 mil­yong isda kabilang ang endangered species na kinuha sa karagatang sakop ng Linapacan, Palawan.

The post ₱3.2M isdang huli sa dinamita nasabat appeared first on Abante News Online.

e282b13 2m isdang huli sa dinamita nasabat - ₱3.2M isdang huli sa dinamita nasabat
bfar 1 - ₱3.2M isdang huli sa dinamita nasabat

NASAKOTE ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fish and Aqua­tic Resources (BFAR) ang isang cargo vessel na may lulan na P3.2 mil­yong isda kabilang ang endangered species na kinuha sa karagatang sakop ng Linapacan, Palawan.

Nalaman na ang M/V Alejandra ay umalis sa Palawan noong Mayo 19, 2019 na patungo sa Delpan Wharf nang masabat ng PCG at BFAR noong Mayo 20, at ineskortan patungong Delpan Wharf mula sa Cavite.

Sa cooler box ng isda, 79 dito ang natukoy na ginamitan ng dinamita habang ang iba ay naglalaman ng mga pating at page na kabilang umano sa endangered species.

Ang ilang isda naman sa cooler box ay hindi umano kabilang sa iligal na panghuhuli kaya itinurn-over sa mga consignee.

Iniimbestigahan na ang kapitan ng barko at mga crew para matukoy kung sino ang responsable sa pang­huhuli at pagpapabiyahe ng mga kinumpiskang endangered species, na sinasabing ikinukubli sa pamamagitan ng pagtatanggal ng ulo at palikpik upang hindi umano mahalata kung anong klase ng isda.

Nabatid pa na cargo vessel ang naharang at hindi fishing vessel kaya kailangan pa ang mas malalim na pagsisiyasat. (Juliet de Loza-Cudia)

The post ₱3.2M isdang huli sa dinamita nasabat appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *