₱2M pananim sa Cotabato nasira ng baha

Umabot na sa P2 milyon ang naging pinsala sa mga palayan dahil sa pagbaha sa 11 barangay sa bayan ng Kabacan, Cotabato ayon sa local disaster management.

e282b12m pananim sa cotabato nasira ng baha - ₱2M pananim sa Cotabato nasira ng baha
Abante Cotabato - ₱2M pananim sa Cotabato nasira ng baha

Umabot na sa P2 milyon ang naging pinsala sa mga palayan dahil sa pagbaha sa 11 barangay sa bayan ng Kabacan, Cotabato ayon sa local disaster management.

Ayon kay David Don Saure, Municipal Disaster Risk Reduction and Management officer, nasa 600 na hektarya ang naapektuhan at kabilang sa mga nasira ang mga palay na nakatakda sanang anihin sa susunod na linggo.

Tinukoy ang mga lugar na apektado na kabilang ang Barangay Bangilan, Malanduage, Cuyapon, Upper Paatan, Poblacion, Katidtuan, Dagupan, Salapungan, Malamote, Pedtad at Sangadong.

Nangako naman ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga magsasaka na nawalan ng kanilang pananim.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *