₱2M natangay ng 6 kabataang akyat-bahay

magnanakaw-theft

NASAKOTE ng Sual Police Station (SPS) ang anim na miyembro ng akyat-bahay gang, kabilang ang tatlong menor de edad, na tumangay ng P2 milyon sa isang opisina sa bayan ng Sual, Pangasinan kamakalawa.

e282b12m natangay ng 6 kabataang akyat bahay - ₱2M natangay ng 6 kabataang akyat-bahay
magnanakaw theft - ₱2M natangay ng 6 kabataang akyat-bahay

NASAKOTE ng Sual Police Station (SPS) ang anim na miyembro ng akyat-bahay gang, kabilang ang tatlong menor de edad, na tumangay ng P2 milyon sa isang opisina sa bayan ng Sual, Pangasinan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Dane Ver, 19-anyos, high school gra­duate; Earl John Tactaquin, 19, grade 12 student; Den Mar Pendog, 18, 1st year college; at tatlong iba pa na may edad 17 at 16.

Base sa SPS, ang pagkakaaresto sa mga suspek ay bunsod ng reklamo ni Michael Santos, matapos pasukin ang kanyang opisina at tinangay ang kanyang vault na naglalaman ng mahigit P2 milyon na cash.

Ayon sa imbestigasyon, isa sa mga naarestong suspek ay kaibigan ng anak ni Santos at tauhan sa kanilang grocery store.

Sinabi ni SPS officer-in-charge P/Lt. Fredwin Sernio, sa kanilang ginawang follow up operation, nakita ang sasak­yan ng mga suspek na kulay pulang Mitsubishi Lancer na nakaparada sa Barangay Poblacion at naaktuhang ang mga suspek na itinapon ang vault na kung saan naglalaman ng nasabing pera.

Nauna rito sa imbestigasyon ng SPS, namili ang grupo ng kabataan ng cellphone sa lungsod ng Alaminos sa nasabing lalawigan.

Dito nakitang kaduda-duda na sa murang edad ay makakabili sila ng mamahaling cellphone kaya’t isinagawa ang background investigation at mula sa intelligence agent ng pinagsanib na SPS at Alaminos Police Station, napag-alamang sangkot ang mga ito sa serye ng robbery incident sa bayan ng Sual at mga karatig bayan at siyudad.

Narekober pa sa mga suspek ang mga mamahaling bag, damit, sapatos, 10 piraso ng one thousand piso bills, tseke, kutsilyo at maraming iba pa.
(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *