₱2M high grade marijuana sinunog­

AABOT sa P2 mil­yong halaga ng pananim na ‘high grade’ na marijuana ang sinunog ng pinagsanib na Phi­lippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos matagpuan sa liblib na lugar sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur ayon sa ulat noong Linggo.

e282b12m high grade marijuana sinunog - ₱2M high grade marijuana sinunog­
marijuana 8 - ₱2M high grade marijuana sinunog­

AABOT sa P2 mil­yong halaga ng pananim na ‘high grade’ na marijuana ang sinunog ng pinagsanib na Phi­lippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos matagpuan sa liblib na lugar sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur ayon sa ulat noong Linggo.

Sa report ni Sugpon Police Station (SPS) commander P/Lt. Jerry Arzabal, at ng kanilang kapulisan at PDEA-Ilocos Sur sa ginawang o­perasyon noong September 19 at 20 sa taong kasalukuyan, anim na marijuana plantation na nasa Sitio Nagawa, Barangay Caoa­yan sa nasabing bayan ang kanilang nadiskubre.

Sinabi ni Arzabal, nasa 400 fully-grown marijuana plant ang natuklasan, binunot at sinunog sa mismong sitio kung saan nakatanim ang marijuana.

Sinabi pa ng hepe na nagpapasalamat sila sa pakikipagtulungan ng mga concerned citizen sa nasabing lugar hinggil sa pagbibigay impormasyon sa kinaroroo­nan ng nasabing pana­nim na marijuana.

(Allan Bergonia)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *