₱2B hahabulin kada buwan sa mga Chinese

₱2B HAHABULIN KADA BUWAN SA MGA CHINESE

DAPAT umanong paigtingin ng gobyerno ang paghahabol sa daang libong mga manggagawang Tsino dito sa bansa na hindi nagbabayad na tamang buwis.

The post ₱2B hahabulin kada buwan sa mga Chinese appeared first on Abante News Online.

e282b12b hahabulin kada buwan sa mga chinese - ₱2B hahabulin kada buwan sa mga Chinese
gobyerno - ₱2B hahabulin kada buwan sa mga Chinese

DAPAT umanong paigtingin ng gobyerno ang paghahabol sa daang libong mga manggagawang Tsino dito sa bansa na hindi nagbabayad na tamang buwis.

Ayon kay Senate President Pro Tempore Ralph Recto, hindi umano magkaroon ng ‘great wall’ para maproteksiyunan ang mga Chinese worker sa pagbabayad ng kanilang buwis mula sa kanilang kinikita dito sa bansa.

“Baka kaya nagdagsaan ang mga dayuhang ito sa Pilipinas ay dahil masyado tayong maluwag. Nalulusutan ang BIR, DOLE at Bureau of Immigration,” sabi ni Recto.

Sa pagtaya ni Finance Secretary Carlos Domingue, aabot sa dalawang bilyong piso kada buwan ang puwedeng makolekta ng Bureau of Internal Revenue (BIR) income tax sa may 100,000 offshore gaming workers na patuloy ang pagdagsa sa Pilipinas,

Ayon kay Recto dapat munang pagbayarin ng mga buwis ang mga Chinese worker bago magtaas ng buwis sa mga dati nang nagbabayad sa gobyerno.

“The BIR can’t be strict on Filipinos when it comes to paying taxes, by withholding these at source, while allowing foreign nationals a free pass,” Recto said in a statement. Hindi umano dapat madehado ang mga manggawang Pinoy sa mga manggagawang Tsino dahil nagbabayad naman sila ng tamang buwis.

Idinagdag na senador na hindi lamang mga Intsik sa online gaming ang dapat na tingnan ng BIR kundi maging ang nasa ibang negosyo gaya ng construction business.

Para aniya maipatupad ito, kailangan ang pagtatayo ng ‘tax base’ mula sa data o impormasyon na manggagaling sa Bureau of Immigration (BI), Department of Labor and Employment (DOLE), Securities and Exchange Commission (SEC), Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) at iba pang special economic zones na pinamumugaran ngayon ng mga Chinese workers.

Bukod sa income tax , kailangan din umanong magbayad ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) worker ng SSS, Pag-IBIG at PhilHealth contributions.

Mahigit P370 bilyon ang binabayad ng manggagawang Pinoy at mga propesyunal noong 2017. “For every five pesos tax paid, one peso comes from individual income earners.”

“Dehado na nga sa West Philippine Sea, pati ba naman sa singilan ng buwis e dehado pa rin ang Pilipinas,” sambit pa nito. (Dindo Matining)

The post ₱2B hahabulin kada buwan sa mga Chinese appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *