₱28M taklobo nasabat sa Negros Occidental

Umabot sa P28 milyong halaga ng mga taklobo, manlot o giant clam ang nasabat sa Hacienda Juliana sa Barangay Washington, Escalante City, Negros Occidental.

e282b128m taklobo nasabat sa negros occidental - ₱28M taklobo nasabat sa Negros Occidental
abante taklobo - ₱28M taklobo nasabat sa Negros Occidental

Umabot sa P28 milyong halaga ng mga taklobo, manlot o giant clam ang nasabat sa Hacienda Juliana sa Barangay Washington, Escalante City, Negros Occidental.

Pinangunahan ni Escalante City Police Chief Lt. Col Necerato Sabando, kasama si Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) acting Provincial Director Marian Jill Abeto at Escalante City Executive Assistant IV Rolen Cabus ang pagkuha at pag-inspeksyon sa mga nasabat na taklobo na iniwan umano sa isang bahay na pag-aari ng isang Jasper Bacaron.

Ayon kay Bacaron, pagmamay-ari umano ng isang Nexon Aurelio mula sa Brgy. Vito, Sagay City ang mga iniwang taklobo.

Nabatid na ibinebenta umano ng mga mangingisda ang nahuhu­ling taklobo sa halagang P7,500 per kilo.

Ang mga nasabat na taklobo ay dadalhin sa BFAR 6 Provincial Fishery Office sa Negros Occidental para sa pangangalaga.

Pinag-aaralan pa kung sasampahan ng kasong paglabag sa Fishe­ries Code of the Philippines ang mga bumibili ng taklobo na ikinukunsi­derang mahalagang manlot na nagbibigay ng mamahaling perlas at itinuturing na isang endangered marine species. (Vick Aquino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *