₱1M reward sa kinidnap na ex-chief ng anti-drug

NAG-ALOK ng isang milyon piso ang pamilya ng negosyanteng dinukot nang mahigit umanong 30 armadong mga pulis sa isang hotel sa Sta. Rosa, Laguna noong Miyerkoles nang gabi.

The post ₱1M reward sa kinidnap na ex-chief ng anti-drug appeared first on Abante News Online.

e282b11m reward sa kinidnap na ex chief ng anti drug - ₱1M reward sa kinidnap na ex-chief ng anti-drug
allan - ₱1M reward sa kinidnap na ex-chief ng anti-drug

NAG-ALOK ng isang milyon piso ang pamilya ng negosyanteng dinukot nang mahigit umanong 30 armadong mga pulis sa isang hotel sa Sta. Rosa, Laguna noong Miyerkoles nang gabi.

Kasama ng abogado nilang si Atty. Ferdinand Topacio, humarap kahapon sa mga miyembro ng media si Noreen Amor, asawa ng negosyanteng si Allan Fajardo, 38-anyos, na sapilitan umanonng binitbit ng mga armadong kalalakihan sa SEDA Hotel sa Nuvali, Sta. Rosa, Laguna, alas-otso nang gabi.

Ayon kay Noreen, handa silang magbigay ng isang milyong psio sa sinumang makapagbibigay-impormasyon sa kinaroroonan ng asawa.

Bukod kay Fajardo, ng Barangay San Rafael, Sto. Tomas, Batangas, tinangay din ng mga armadong kalalakihan ang driver nito na si Ricky Atienza.
Sina Fajardo at Atienza ay dating tauhan ng napaslang na si Tanauan City Mayor Antonio Halili na lantaran ang paglaban sa iligal na droga sa kanilang siyudad.

Nilinaw din ng asawa ng negosyante na walang katotohanan ang mga napabalitang sangkot sa mga iligal na gawain ang kanyang asawa.

Sa imbestigasyon, sinabi ng isa sa nakatalagang guwardiya na sakay ng dalawang puting van at isang Innova ang nasa 30 armadong kalalakihan na pawang nakamaskara nang dumating ang mga ito sa lugar.

Mabilis ang mga itong pumasok sa hotel kung saan kumakain sina Fajardo, Atienza at isa pang hindi muna pinangalanan ng National Bureau of Investigation.

Dinisarmahan ng mga ito ang nakatalagang guwardiya, kinuha ang mga radyo at pinadapa ang ilang mga kostumer.

Binugbog muna umano ng mga ito si Fajardo bago isinakay sa van kasama si Atienza.

Sinabi ni Noreen na nakatawag pa sa kanya ang asawa.

Aniya nangangatal ang boses ng mister at sinasabing nakadapa sila at maraming pulis na nakapalibot. (Mia Billones/Juliet de Loza-Cudia)

The post ₱1M reward sa kinidnap na ex-chief ng anti-drug appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *