₱1M bawat congressman

INAMIN ni dating Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na may nagaganap na bilihan ng boto para maging Speaker ng Kamara.

The post ₱1M bawat congressman appeared first on Abante News Online.

e282b11m bawat congressman - ₱1M bawat congressman
alvarez - ₱1M bawat congressman

Vote buying sa labanan ng Speaker:

INAMIN ni dating Davao del Norte Rep. Pantaleon ‘Bebot’ Alvarez na may nagaganap na bilihan ng boto para maging Speaker ng Kamara.

Ayon kay Alvarez, naglalaro sa P500,000 hanggang P1 milyon ang presyo ng bawat boto ng mambabatas.

Bagama’t isa siya sa kandidato sa pagka-Speaker, itinanggi naman nitong namimili siya ng boto sa tinatayang 300 miyembro ng Kamara.

“Tingin ko I’m sincere enough para tulu­ngan ang ating Pangulo. Purposely, hindi ako lumapit doon sa mga funders para meron akong ipamigay ako na P500,000 to P1 million,” saad ni Alvarez sa isang programa ng ANC.

“Ganoon po, sadly, (ang nangyayari) sa Lower House…ayaw ko nang sabihin kung sino,” dagdag pa niya.

Bukod kay Alvarez, ang iba pang tumatakbo sa posisyon ng speaker ng 18th Congress ay sina Marinduque Rep. Lord Allan Velasco, Leyte Representative-elect Martin Romualdez at dating Foreign Affairs secretary at Taguig Representative-elect Alan Peter Cayetano.

Si Alvarez ay dating Speaker ng 17th Congress pero pinatalsik ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa tulong ni Davao City Mayor Sara Duterte.

“Pag gagawin natin ‘yun (bumili ng boto), we will be compromising the position of the Speakership, mahirap po ‘yun specially may mga tax reforms packages pa na kailangang ipatupad pa,” paliwanag ni Alvarez.

Samantala, naniniwala naman si Minority leader at Quezon Rep. Danilo Suarez na sina Velasco at Romualdez na lamang ang maglalaban sa speakership.
“It will narrow down to just two, Congressman Velasco and Romualdez,” ayon sa kongresista.

Ito’y dahil sa markado na umano ni Mayor Duterte sina Cayetano at Alvarez dahil sa mga pahayag nila laban sa presidential daughter.

Tumanggi si Duterte na makipagbati kay Alvarez dahil sa banta­ ng huli na ipapahiya niya ang Davao mayor. Pinitik din ng alkalde­ si Cayetano dahil sa pagbabanta nito na mabubuwag ang Duterte group kapag sinuportahan si Velasco.

“Dun sa pangyaya­ring yan na nagkaroon ng mabigat na statement si Mayor Sara, medyo magkakaroon ng weight ‘yan don sa pagpili ng mga hindi pa decided na member ng House,” ayon kay Suarez.

Sinabi pa ni Suarez na si Mayor Duterte ang lumalabas ngayon na ‘power broker’ sa pilian ng bagong Speaker ng Kamara.

The post ₱1M bawat congressman appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *