₱1B mais nasira sa CAR

TINATAYANG isang bil­yong pinsong halaga ng pana-nim na mais sa Cordiller­a Administrative Region (CAR) ang nasira dulot ng El Niño phenomenon ayon sa Department of Agriculture (DA).

The post ₱1B mais nasira sa CAR appeared first on Abante News Online.

e282b11b mais nasira sa car - ₱1B mais nasira sa CAR
mais - ₱1B mais nasira sa CAR

TINATAYANG isang bil­yong pinsong halaga ng pana-nim na mais sa Cordiller­a Administrative Region (CAR) ang nasira dulot ng El Niño phenomenon ayon sa Department of Agriculture (DA).

Ayon kay DA-CAR regional director Cameron Odsey, ang industriya ng mais ang pinakanaapek-tuhan ng tagtuyot sa nasabing rehiyon dahil sa kakulangan ng supply sa tubig.

Aminado ito na malak­i ang posibilidad na maapektuhan agad ang mga mais dahil nakadepende ito sa tubig.

Sinabi ni Odsey, apek-tado rin ang ilang palayan malapit sa mga irigasyon.
Samantala, batay sa record ng DA-CAR Regional Operation Center noong Marso, umabot sa P1.18 bilyong halaga ng bigas, mais, kamoteng kahoy at iba pang high-value crops ang sinira ng El Niño phenomenon.

Sinabi pa ng DA-CAR na ang pinakamalaking naitala ng sirang pana-nim ay ang Ifugao, Apayao, Kalinga at Abra.

Kaugnay nito, tinatayang aabot naman sa 34,000 ang mga apektadong magsasaka sa CAR.

Gayunpaman, nakapagbigay ang nasabing ahensiya ng inisyal na tulong sa mga magsasaka gaya ng buffer seeds, 2,000 palay, hi­git 1,000 sako ng mais at 500 kilos ng iba’t ibang butong gulay sa buong CAR. (A­llan Bergonia)

The post ₱1B mais nasira sa CAR appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *