₱15 milyong droga sinilaban sa Maguindanao

UMAABOT sa P15-milyong pisong halaga ng mga nasabat na droga ang sinunog ng mga tauhan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) upang hindi na mapakinabangan pa, kamakalawa sa Maguindanao.

Ayon kay Director Juvenal Azurin ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – BARMM, ginawa ang pagsunog ng mga nakumpiskang droga bilang bahagi ng polisiya ng PDEA na kung saan ay hindi na ito mapakikinabangan pa at hindi matukso ang sinuman sa ahensiya.
Kabilang sa mga sinunog ay nakumpiskang shabu, ecstasy pills, at dried marijuana ng PDEA sa Maguindanao at Lanao del Sur.
“It also shows that confiscated illegal drugs are not recycled or brought back to the illegal market. People accuse us of recycling seized illegal drugs for money. That is baseless and we are hurt with these unfounded allegations,” ayon kay Azurin.
Ginawa ang pagsunog sa isang private facility sa Maguindanao noong Biyernes nang hapon na sinaksihan ng mga opisyal ng PDEA, kasama si Judge Kasan Abdulrakman ng Regional Trial Court 12 (Soccsksargen) na isa sa sumusuporta sa kampanya laban sa iligal na droga. (Vick Aquino)