₱13M shabu nakumpiska sa tinedyer sa Cebu

Matapos ang mahigit dalawang buwang surveillance ay nagpositibo ang Cebu Cty Police at inaresto ang isang 19-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust ope­ration at nakumpiska ang mahigit P13.6 mil­yon na halaga ng shabu, kamakalawa nang gabi sa Barangay Cogon Ramos, Cebu City.

The post ₱13M shabu nakumpiska sa tinedyer sa Cebu appeared first on Abante News Online.

e282b113m shabu nakumpiska sa tinedyer sa cebu - ₱13M shabu nakumpiska sa tinedyer sa Cebu
shabu 5 - ₱13M shabu nakumpiska sa tinedyer sa Cebu

Matapos ang mahigit dalawang buwang surveillance ay nagpositibo ang Cebu Cty Police at inaresto ang isang 19-anyos na lalaki sa ikinasang buy-bust ope­ration at nakumpiska ang mahigit P13.6 mil­yon na halaga ng shabu, kamakalawa nang gabi sa Barangay Cogon Ramos, Cebu City.

Nakilala ang suspek na si Rico Rubi, 19-an­yos, residente ng Lopez St., Barangay Labangon, Cebu City.

Ayon kay Police Lt. Col. Glenn Mayam, Police Drug Enforcement Group Visayas chief, isinagawa nila ang buy-bust operation at isang police poseur buyer ang naki­pagtransaksyon sa suspek para makabili ng isang kilo ng shabu at agad na dinampot ang suspek nang aktong ibibigay na ang droga.

Nakuhanan pa ito ng isa pang kilo ng shabu na kapwa umaabot sa P13.6 milyon ang hala­ga, ayon kay Mayam.

Nabatid na ito ang pinakamalaking drug haul ng Cebu City Police Office matapos ang unang pagkakasabat ng mahigit 1.3 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P8.8 milyon ang nakumpiska noong Hulyo 15 sa tulak na si Julie Ann Longgakit, 21, ng Barangay Duljo Fatima, Cebu City. (Vick Aquino)

The post ₱13M shabu nakumpiska sa tinedyer sa Cebu appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *