₱118B project binuro ng DPWH-Villar

NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang humigit kumulang na P118 bilyon halaga ng mga proyekto na kundi naantala ay hindi pa naiimplementa na malinaw na paglabag sa ‘Procurement Law and agreed contracts’.

e282b1118b project binuro ng dpwh villar - ₱118B project binuro ng DPWH-Villar
villar 1 - ₱118B project binuro ng DPWH-Villar

NASILIP ng Commission on Audit (COA) ang pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang humigit kumulang na P118 bilyon halaga ng mga proyekto na kundi naantala ay hindi pa naiimplementa na malinaw na paglabag sa ‘Procurement Law and agreed contracts’.

Sa annual audit report ng COA, lumilitaw na ang mga proyekto ng DPWH ay hindi nakumpleto ang specific contract time na nagkakahalaga ng P107 bil­yon; habang sinuspinde naman ang proyektong nagkakahalaga ng P8 bilyon; hindi pa nasisimulan ang P2 bilyon at na-terminate naman ang P218 milyon.
Ayon sa mga State auditor, ang DPWH at mga consultant ng mga ito ay nabigong ikunsidera ang ‘delays to suspension orders, time extensions, at variation of orders’ sa kanilang preliminary engineering­ study sa kakayahang umangkop sa proyekto.

“The causes of delay may have been outside the control of the department, such as typhoon and unfavorable weather condition for which time extension may be approved by the proper authority,” paliwanag ng komisyon.

“However, except for typhoon or unfav­rable weather condition, all issues enumerated above as well as the necessity of coordination with the LGUs and other concerned agencies are factors which are unintentional but procedural and consequential issues,” ayon pa sa komis­yon.

“These procedural and consequential ­issues should have been considered and resolved during the preliminary enginee­ring study on the via­bility of the project and pre-construction activities,” dagdag pa ng COA.

Sa rekord ng COA, 157 sa 3,784 ang delayed infrastructure project, na nagkakaha­laga ng P5.6 bilyon.

Hiningan ng reaksyon ang DPWH pero wala pa umanong inilalabas na statement ang tanggapan sa nasabing COA report. (Dolly Cabreza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *