₱10M kinurakot bitayin na!

₱10M KINURAKOT BITAYIN NA!

Nais ni Senador Bong Go na ibaba ang threshold amount ng plunder upang mapatawan ng parusang kamatayan ang mga opisyal na kumurakot ng P10 milyon pataas.

The post ₱10M kinurakot bitayin na! appeared first on Abante News Online.

e282b110m kinurakot bitayin na - ₱10M kinurakot bitayin na!
bong go 3 - ₱10M kinurakot bitayin na!

Nais ni Senador Bong Go na ibaba ang threshold amount ng plunder upang mapatawan ng parusang kamatayan ang mga opisyal na kumurakot ng P10 milyon pataas.

Sa ilalim kasi ng Plunder Law, makakasuhan lamang ng pandarambong ang isang opisyal ng gobyerno kung nangurakot ito ng P50 milyon pataas.

Ayon kay Go, gusto niyang ibaba ang threshold amount upang hindi makalusot ang mga tiwali at ganid sa pera ng gobyerno.

Ang pagbabalik ng death penalty ay isa sa hiniling ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga miyembro ng Senado at Kamara sa kanyang ika-4 na State of the Nation Address (SONA) noong Lunes. Gusto ng Pangulo na isama ang plunder at illegal drugs sa mapapatawan ng parusang kamatayan, bukod sa mga karumal-dumal na krimen.

Natengga sa Senado noong 17th Congress ang death penalty bill kaya’t hiniling ni Go sa kanyang mga kapwa senador na suportahan ang kanyang panukalang death penalty para sa mga plunderer.

Sinabi ng senador na hindi aniya dapat matakot ang mga kasamahang senador kung wala namang itinatago at walang ginagawang kalokohan.

Ayon kay Go, si Senate President Vicente Sotto III pa lang ang nagpahayag ng suporta sa kanyang panukalang batas, kaya naman hinahamon niya ang mga kapwa senador na suportahan ang kanyang adhikain.

“Nananawagan ako sa mga kapwa ko senador na suportahan ang panukala ko kung walang itinatago ang mga ito, wala silang dapat na ikatakot,” ani Go.

Noong Hulyo 2 pa inihain ni Go ang Se­nate Bill No. 207 upang ibalik ang parusang kamatayan para sa iligal na droga at plunder.

Simula noong umiral ang Plunder Law noong 1991, tanging sina dating Pangulong Joseph Estrada at BIR cashier Dominga Manalili pa lamang ang na-convict ng Sandiganbayan.

Gayunman, si Estrada ay pinardon ni da­ting Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo samantalang si Manalili ay pinagsisilbihan ang life imprisonment. (Aileen Taliping)

The post ₱10M kinurakot bitayin na! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *