₱10B pondo tinago sa DPWH-Villar

BAGAMA’T hindi nagalaw ng Kamara ang National Expenditure Program (NEP), may nakita namang butas si Senador Panfilo Lacson sa House approved budget bill kung saan may P20 bilyong kuwestiyonableng pondo na naka-park diumano sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

e282b110b pondo tinago sa dpwh villar - ₱10B pondo tinago sa DPWH-Villar
mark villar 1 - ₱10B pondo tinago sa DPWH-Villar

BAGAMA’T hindi nagalaw ng Kamara ang National Expenditure Program (NEP), may nakita namang butas si Senador Panfilo Lacson sa House approved budget bill kung saan may P20 bilyong kuwestiyonableng pondo na naka-park diumano sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Sa panayam sa DZBB kahapon, sinabi ni Lacson na hindi umano malinaw kung saan gagamitin ang P20 bilyon pondo at nakatago lang ito sa ilang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

“Maski sa NEP maski hindi nagalaw ng HOR, may mga napansin din kami na may mga hindi malinaw kung saan dadalhin ang pondo. Nagkakahalaga ito more or less estimate namin, nasa mga P20B. Hindi malinaw,” sabi ni Lacson.

“Naka-park ito kung saan-saan. May sa DILG, may as usual sa DPWH. May ganoon at kung iipunin natin lahat yan na sa tingin namin ay hindi ma-implement nang maayos o hindi ma-implement at all, dahil hindi maliwanag o kaya naka-lump sum, nasa mga P20B,” dagdag pa nito.

Pero nilinaw naman ni Lacson na hindi umano ‘pork’ ang naturang pondo na nakaparada sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

“Hindi pork. Hindi naman nagalaw. Under definition of pork kasi kung NEP yan, ang implication niyan o assumption, na-vet properly yan ng mga ahensya kasi di ba nagme-meeting lagi ang Cabinet secretary ang mga ahensya, nagsa-submit sila ng kanilang budget para i-defend nila sa tinatawag na budget call,” paliwanag ni Lacson.

“So kung nakapaloob sa NEP yan hindi natin pwede sabihing pork dahil dumaan sa pagve-vet although may mga napansin nga kami kung saan gagamitin ito? At nang tanungin namin ang ahensya mismo sa committee hearing kung ‘alam nyo ba kung saan gagamitin ito?’ Ang sagot nila ‘hindi namin alam,” saad pa ng senador.

“Pwede rin yan pero okay lang yan kasi kung pinag-submit sila ng Malacañang, ang assumption pinag-aralan yan at ang assumption may coordination o consultation ang individual congressmen sa kanilang constituents kasi bago nila ipasok ito sa mga ahensya recommendation yan. Pwede rin yan pero walang problema roon,” sabi pa ng mambabatas.

Pangunahing nasilip ni Lacson ang P10 bilyong pondong naka-park sa DPWH na hindi malinaw kung saan gagamitin. Ang DPWH ay pinamumunuan ni Secretary Mark Villar.

“May mga nakita rin kami na siguro sa mahigit P10B sa DPWH lang, na hindi malinaw. Halimbawa P500M repair ng Kennon Road. Saan yan? Hindi natin alam anong gagawin doon. Kailangan may Km so and so to Km so and so, itemized,” ani ni Lacson. “Pero kung napakalaking bulto kalahating bilyong piso at sasabihin mo napaka-general ng description, o kaya QC o EDSA, di mo alam saan yan so hindi maimplementa yan,” wika pa nito. (Dindo Matining).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *