₱100K bonus ng mga GSIS employee pinasosoli ng COA

INATASAN ng Commission on Audit (COA) ang Go­vernment Service Insurance System (GSIS) na isoli sa kaban ng bayan ang P260.5 milyong halaga ng insentibo na iligal na pinamahagi sa mga empleyado.

The post ₱100K bonus ng mga GSIS employee pinasosoli ng COA appeared first on Abante News Online.

e282b1100k bonus ng mga gsis employee pinasosoli ng coa - ₱100K bonus ng mga GSIS employee pinasosoli ng COA
ABANTE gsis 1 - ₱100K bonus ng mga GSIS employee pinasosoli ng COA

INATASAN ng Commission on Audit (COA) ang Go­vernment Service Insurance System (GSIS) na isoli sa kaban ng bayan ang P260.5 milyong halaga ng insentibo na iligal na pinamahagi sa mga empleyado.

Sa 2018 audit report, itinuring ng COA na “illegal expenditure and erroneous computation of incentives” ang P100,000 na ibinigay sa bawat 2,615 empleyado sa ilalim ng GSIS Galing ng Pagkilala Incentive.

Binanggit sa report na hindi ito aprubado ng Pangulo at ng Department of Budget and Management (DBM) kaya’t “disallowed” ang gastos na ito.

Kung walang ilalabas na approval mula sa Pa­ngulo at DBM, kailangang isoli ng GSIS sa kaban ng bayan ang perang pinamahagi sa mga emple­yado.

Sa nasabing audit report ay umalma ang GSIS management dahil hindi lang noong 2018 pinamahagi ang bonus, kundi naging kalakaran na ito ng mga nagdaang taon.

Sa kabila nito, nangako naman ang GSIS na rebyuhin ang probisyon patungkol sa “Pagkilala Incentive” at sundin ang tamang komputasyon ng savings bilang basehan ng pagkakaloob ng insentibo sa mga empleyado.

Nitong Martes lamang ay nagbitiw na sa tungkulin bilang president at general manager ng GSIS si Jesus Clint Aranas.

“I resign secure in the knowledge that I have unwaveringly advanced the interest of GSIS and its members in discharging the functions of the said office always in obeisance to all the laws and never once compromising my integrity or that of the office I now relinquish,” saad ni Aranas. (Allan Yves Briones)

The post ₱100K bonus ng mga GSIS employee pinasosoli ng COA appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *