₱.3M alok ng Davao gov’t laban sa mga rapist-killer ng 4-anyos

Tatlongdaang libong piso ang inalok na pabuya ng tanggapan ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa makapagbibigay ng impormasyon sa anim na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 4-anyos na bata sa nasabing lugar.

e282b1 3m alok ng davao govt laban sa mga rapist killer ng 4 anyos - ₱.3M alok ng Davao gov’t laban sa mga rapist-killer ng 4-anyos
sara 14 - ₱.3M alok ng Davao gov’t laban sa mga rapist-killer ng 4-anyos

Tatlongdaang libong piso ang inalok na pabuya ng tanggapan ni Davao City Mayor Sara Duterte para sa makapagbibigay ng impormasyon sa anim na suspek sa panggagahasa at pagpatay sa 4-anyos na bata sa nasabing lugar.

Nabatid kay Davao City Police Office (DCPO) spokesperson Police Captain Nolan Tagsip, nasa P50,000 kada ulo ang ipagkakaloob ng alkalde sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng mga salarin.

Kinilala ang mga itong sina Jerome Bang Gaan, Jorex Manlangan, Steve Allan, Mayonado Calibay, Jomar Cariaman at John Onsilag, na pawang residente ng Barangay Tapak Proper, Paquibato District.

Magugunitang Agosto 29, 2019 nang matagpuan ang hubo’t hubad na bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Barangay Tapak kung saan lumitaw sa pagsusuri na positibo itong ginahasa bago pinatay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *