Zsa Zsa super happy nang makita si Pope Francis sa Roma

Ang ibang artista, todo pictorial, super emote, sa iba’t ibang kalsada sa Rome, Italy, na okey lang naman, dahil deserved naman nilang mamasyal talaga, at namnamin ang kagandahan ng naturang lugar.

zsa zsa super happy nang makita si pope francis sa roma - Zsa Zsa super happy nang makita si Pope Francis sa Roma
zsa zsa 1 - Zsa Zsa super happy nang makita si Pope Francis sa Roma

Ang ibang artista, todo pictorial, super emote, sa iba’t ibang kalsada sa Rome, Italy, na okey lang naman, dahil deserved naman nilang mamasyal talaga, at namnamin ang kagandahan ng naturang lugar.

Pero para kay Zsa Zsa Padilla, isang malaking achievement, o checked sa ‘bucket list’ ang makapagsimba sa Roma, na si Pope Francis mismo ang nag-misa. Oo naman, nakapamasyal na rin naman si Zsa Zsa sa magagandang lugar sa Italy, at makikita naman ‘yon sa Instagram niya, pero super nakakatuwa pa rin, na ang katulad niya, nag-aabala na magsimba sa Roma.

“Was finally able to see Pope Francis! Kahit na ilang cm lang ang laki nya sa paningin ko, super happy ako and ang tagal kong nakangiti kasi naabutan ko siyang nagdasal ng Angelus. Thank you, Rome! #blessings,” sabi ni Zsa Zsa.

Oh, ‘di ba? Kahit na ang layo-layo lang ni Zsa Zsa, magaan pa rin ang naging pakiramdam niya. At diyan nga siya hinangaan ng mga fan.

Ronniealba, “Nice. Next time I’ll go on Wednesday tour in Vaticano to see Pope Francis.”

Oreo8f, “Iba ang feeling di ba?”

Craftiestc, “I was at that mass too! I super power walked to grab the orange ticket to get inside! Definitely worth it. This is the 2nd time I was blessed to attend a mass officiated by Pope Francis!”

Akosimenggay, “Thank you Ms @zsazsapadilla for being so accommodating kanina. We were so blessed kasi right after Pope Francis gave His blessings nag-stop yung malakas na ulan.”

Shinmaeden, “You are so blessed kainggit naman. Wish when I go there next year. I could see him too.”

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *