Zsa Zsa sariwa, makatas sa edad na 56

Hindi naging hadlang ang ECQ at MCQ para hindi mai-celebrate ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang 56th birthday kamakailan.

zsa zsa sariwa makatas sa edad na 56 - Zsa Zsa sariwa, makatas sa edad na 56
abante zsazsa 2 - Zsa Zsa sariwa, makatas sa edad na 56

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 150 336x224 - Zsa Zsa sariwa, makatas sa edad na 56Hindi naging hadlang ang ECQ at MCQ para hindi mai-celebrate ni Zsa Zsa Padilla ang kanyang 56th birthday kamakailan. Nakaposte sa Instagram ng singer-actress ang kanyang handa, kung saan makikita ang isang buong lechon.

May alimango at sugpo rin ang Divine Diva sa kanyang handa.

Mababanaag sa mukha ni Zsa Zsa ang kasiyahan sa mga video na pinoste nito kasabay ng pagpapasilip niya sa kanyang handa.

Parang nagpa-party na rin ito sa live video chat sa rami ng mga bumati sa kanya mula sa kanyang mga kaibigan at kasamahan sa showbiz, pati na ang pamilya niya sa States.

Sina Zsa Zsa at ang dyowang si Architect Conrad Onglao ang nagpiyesta sa handa dahil naka-self quarantine pa ang mga anak ni Zsa Zsa.

Nanatiling maganda, mukhang bata, sariwa, makatas ang itsura ni Zsa Zsa sa edad niya. Nag-post siya ng throwback photo at itinabi sa latest photo niya.

“Old me, me Now. Funny how the younger me is the old me in this frame. Sometimes you just have to look at things differently. Same pose. 35 years apat. Thank you, God for another year. #56 #goldengirl #almostdiamond #birthday #birthdaygirl,” sey niya.

Lara Quigaman 4 buwan buntis

Buntis sa ikatlong pagkakataon ang beauty queen-actress na si Lara Quigaman, misis ni Marco Alcaraz. Ibinahagi ni Lara ang kundisyon sa kanyang Instagram sa pagpapakita ng ultrasound. Apat na buwan na ang ipinagbubuntis ni Lara.

“Sharing with you our Baby Alcaraz #3’s first close up. Finally had my Anomaly Scan last May 19 and we thank God for answered prayers. #22weekspregnant,” sabi ni Lara.

Hindi kabilang si Lara sa tinatawag na ECQ preggy dahil February pa lang (bago ang lockdown) buntis na ito.

Ang sigurado pasok sa kategorya ng GCQ ang kanyang isisilang dahil posibleng nakikipagbuno pa ang bansa kontra-virus sa oras na manganak siya.

Charlene nananatiling maligaya kay Aga

Nag-celebrate ng 19 taon anibersaryo sina Aga Muchlach at Charlene Gonzales bilang mag-asawa sa panahon ng pandemya. Sa Instagram ni Charlene ay ibinahagi niyang muli ang ilang mga larawan nila ni Aga na kuha sa wedding nila noon.

“19 years old love, marriage and happiness…My forever & ever…What a wonderful journey it continues to be. Happy 19th Anniversary my Love, B..Love youy very much,” sey ni Charlene.

Anyway, matibay nga ang relasyon nila, at walang anumang masamang balita sa kanila. Nanatiling mataas ang respeto ng mga kapwa artista kina Aga at Charlene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *