Zsa Zsa, KZ mangingilatis ng see-nger

Nagbabalik sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan para subukin ang kanilang galing sa panghuhula sa “I Can See Your Voice” na napapanood na rin sa A2Z channel sa mga digital TV boxes gaya ng TVplus.

The post Zsa Zsa, KZ mangingilatis ng see-nger first appeared on Abante.

zsa zsa kz mangingilatis ng see nger - Zsa Zsa, KZ mangingilatis ng see-nger
abante zsa zsa kz - Zsa Zsa, KZ mangingilatis ng see-nger

Nagbabalik sina Divine Diva Zsa Zsa Padilla at Asia’s Soul Supreme KZ Tandingan para subukin ang kanilang galing sa panghuhula sa “I Can See Your Voice” na napapanood na rin sa A2Z channel sa mga digital TV boxes gaya ng TVplus.

Siguradong masusubukan ang mga see-cret songers ng mga bagong pakulo ngayong ikatlong season ng game show. Hahatiin na sila sa dalawang grupo at sa unang round pa lamang, sasabak na agad sila sa lip-sync performances.

Makakasama pa rin ngayong linggo si Jona ng sing-vestigators na sina Long Mejia, Negi, Kaladkaren, Andrew E, at Nikko Natividad.

Bukod dito, abangan din ang pagbabahagi ni KZ ng kanilang “new normal” wedding ng asawang si TJ Monterde. Samantala, alamin din ang kwento ni Zsa Zsa tungkol sa buhay probinsya at vlog niya.

Panoorin kung see-nger nga ang mapili nina KZ at Zsazsa sa “I Can See Your Voice ngayong Sabado, 7:45 PM, at Linggo 7:15 PM sa A2Z channel.

I-scan lang ang digital TV boxes para mahanap/hanapin ang A2Z channel na mapapanood sa Metro Manila at ilang bahagi ng Cavite, Laguna, Quezon, Rizal, Bataan, Batangas, Bulacan, at Pampanga.

Patuloy pa rin itong mapapanood tuwing weekend sa Kapamilya Channel sa cable at satellite TV (SKYcable channel 8 sa SD at channel 167 sa HD, Cablelink channel 8, G Sat Direct TV channel 22, at karamihan ng cable operators na miyembro ng Philippine Cable and Telecommunications Association sa buong bansa).

The post Zsa Zsa, KZ mangingilatis ng see-nger first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *