Zoren tagumpay sa UK cycling fest

Sulit ang mga naging training ni Zoren Legaspi sa kanyang kinahihiligan na sport ngayon na cycling dahil nakapag-uwi siya ng medalya mula sa Prudential RideLondon, ang world’s biggest cycling festival na ginanap sa London, United Kingdom.

zoren tagumpay sa uk cycling fest - Zoren tagumpay sa UK cycling fest
ABANTE Zoren - Zoren tagumpay sa UK cycling fest

Sulit ang mga naging training ni Zoren Legaspi sa kanyang kinahihiligan na sport ngayon na cycling dahil nakapag-uwi siya ng medalya mula sa Prudential RideLondon, ang world’s biggest cycling festival na ginanap sa London, United Kingdom.

Nakaabot nga si Zoren sa 100-mile challenge ng naturang cycling event at proud na tinaas ng aktor ang bitbit niyang mini Philippine flag noong makarating siya sa finish line.

Proud naman ang misis ni Zoren na si Carmina Villarroel na nasa London din, kasama ang isa sa kambal na si Mavy Legaspi, para mapanood si Zoren sa kanyang unang international cycling event.

Bukod kay Zoren, nasa naturang cycling event din sina Kim Atienza at Gretchen Ho bilang part ng Team Pru Life UK. Nakasama ni Zoren si Kuya Kim sa 100-mile category samantalang sa 46-mile challenge naman si Gretchen. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *