Zooey, Jacob hiwalay na

Uso na naman sa Hollywood ang pakikipaghiwalay, ang latest ay ang TV and film comedienne Zooey Deschanel at ang producer husband niyang si Jacob Pechenik. Kinasal noong 2015 ang dalawa pero nagdesisyon na silang maghiwalay. May dalawa silang anak na sina Elsie at Charlie.

zooey jacob hiwalay na - Zooey, Jacob hiwalay na
jacob - Zooey, Jacob hiwalay na

Uso na naman sa Hollywood ang pakikipaghiwalay, ang latest ay ang TV and film comedienne Zooey Deschanel at ang producer husband niyang si Jacob Pechenik. Kinasal noong 2015 ang dalawa pero nagdesisyon na silang maghiwalay. May dalawa silang anak na sina Elsie at Charlie.

Ito ang second divorce ni Zooey. Una siyang kinasal sa lead singer ng bandang Death Cab For Cutie na si Ben Gubbard noong 2009 at nag-divorce sila noong 2012.

“After much discussion and a long period of contemplation we have decided we are better off as friends, business partners and co-parents rather than life partners. We remain committed to our business, our values and most of all our children. Thank you for respecting our privacy at this time,” ayon pa sa official statement nila.

Sumikat si Deschanel sa comedy series na “New Girl” na tumagal ng seven seasons sa Fox TV. Lumabas din siya sa mga pelikulang “Almost Famous”, “Hitchhiker’s Guide To The Galaxy”, “Yes Man”, “Elf”, “Failure To Launch” at “500 Days of Summer”. She also cofounded Hello Giggles, a women-focused website acquired by Time Inc. for about $30 million in 2015.

Si Pechenik naman ay co-founder and president ng YellowJacket Software, a fintech firm acquired by Intercontinental Exchange in 2008. Founder din siya ng TechTrader, an enterprise software company. Naging film producer din siya ng ilang pelikula tulad ng “Solace”, “The Skeleton Twins” at “Rock The Kasbah” kunsaan niya nakilala si Zooey.

Paghahatian nila ang dalawang food company nila na The Farm Project and Lettuce Grow kunsaan tumutulong sila sa maraming farmers kung paano mas mapapalago at mapapangalagaan ang mga tinatanim nilang fruits and vegetables. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *