Zia sumama: Marian balik-trabaho na

Naisahan si Marian Rivera ng anak na si Zia nu’ng naghahanda siya para sa pagbabalik niya nu’ng Linggo sa “Sunday PinaSaya”. Six months pa lang niyang ipinagbubuntis si Ziggy eh nag-maternity leave na siya sa Sunday musical variety show.

zia sumama marian balik trabaho na - Zia sumama: Marian balik-trabaho na
zia 2 - Zia sumama: Marian balik-trabaho na

Jun Nardo I Know Better 22 336x224 - Zia sumama: Marian balik-trabaho naNaisahan si Marian Rivera ng anak na si Zia nu’ng naghahanda siya para sa pagbabalik niya nu’ng Linggo sa “Sunday PinaSaya”. Six months pa lang niyang ipinagbubuntis si Ziggy eh nag-maternity leave na siya sa Sunday musical variety show.

Wala siyang choice kungdi isama sa “SPS” si Zia dahil habang naliligo siya eh sumabay ang bata sa kanya.

“Ngayon kasama ko si Zia. Nu’ng naliligo ako, sabi niya, ‘Mama, where are you going?’ Sabi ko, I’m going to work in ‘Sunday Pinasaya.’

“Tanong niya, ‘Can I come with you?’ Sabi ko, ‘No. Take care na lang of your brother.’ Nang maligo ako, ‘Mama, I will take a bath with you.’

“Matapos niyang maligo, wala, sumama na siya!” chika ni Marian nang makausap ng press sa pagbabalik niya sa programa.

Bago umalis ng bahay, mommy duties siya sa anak na si Ziggy.

“Si Ziggy, bago ako umalis ng bahay, naka-ready na ‘yung dapat. Milk ko, ang dapat niyang gawin tapos, napaliguan ko na rin,” dagdag ni Yan.

DongYan bibida sa sitcom

After “SPS” and “Tadhana”, wala pang inilalatag sa kanya ang GMA Network sa teleserye na sasalangan.

“Pero kung meron akong gustong makasama ay si Dong (Dantes),” saad ng GMA Primetime Queen.

May excitement kasi sa kanila kahit magkasama na araw-araw sa bahay.

“Iba pa rin ang work. Nu’ng dinirek niya ako sa ‘Tadhana’, may something pa rin na excitement. Hindi man soap opera pero malay natin, gusto ko sitcom kasama siya.

“Para light lang at madadala namin ang mga bata sa set. ‘Yan ang gusto kong gawin ‘pag magka-comeback ako,” saad niya.

Type ba niyang gumawa ulit ng isang dance show?

“Mahirap! Tapos ‘pag ‘di ka naka-memorize, makikita sa TV na mali-mali ang steps mo! Huwag na. Puwede akong magsayaw pero ‘yung hatawan, hindi na masyadong sanay,” deklara ni Yan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *