Zeus nabalitang patay sa aksidente

Idinaan na lang ng Hashtag member na si Zeus Collins sa cheesy pick-up line ang mga kumakalat na balitang patay na raw siya. Lumabas at mabilis na kumalat na nahulog umano sa EDSA flyover ang aktor habang nagmo-motor.

The post Zeus nabalitang patay sa aksidente first appeared on Abante.

zeus nabalitang patay sa aksidente - Zeus nabalitang patay sa aksidente
zues - Zeus nabalitang patay sa aksidente

Idinaan na lang ng Hashtag member na si Zeus Collins sa cheesy pick-up line ang mga kumakalat na balitang patay na raw siya. Lumabas at mabilis na kumalat na nahulog umano sa EDSA flyover ang aktor habang nagmo-motor.

Marami ang nagulat at napaniwala sa chismis na ‘yan dahil may picture at video pang kasama. Hindi mamukhaan kung sino ang naaksidente pero napagkamalan na ang nadisgrasyang iyon ay si Zeus dahil parehas na nababalot ng tattoo ang isang buong braso hanggang kamay nito.

Ni-repost ng aktor sa kanyang Instagram ang ilan sa mga screenshot ng balitang patay na raw siya at sa huling slide ng kanyang post ay doon siya bumanat ng biro.

Ang eksena sa video na pinost niya ay tinatawag siya ng kanyang girlfriend at natagpuan siya nakahandusay sa sahig na parang patay sabay tinanong siya “patay ka na daw, love?”

Bigla namang dumilat at bumangon sa pagkakahiga si Zeus sabay banat ng “Oo, patay na patay sayo!” sabay pose ng finger heart. (Athena Yap)

The post Zeus nabalitang patay sa aksidente first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *