Zanjoe, Josie magdyowa na

Magdyowa na nga sina Zanjoe Marudo at Josie Prendergast.

The post Zanjoe, Josie magdyowa na appeared first on Abante News Online.

zanjoe josie magdyowa na - Zanjoe, Josie magdyowa na
zanjoe 1 - Zanjoe, Josie magdyowa na

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Zanjoe, Josie magdyowa naMagdyowa na nga sina Zanjoe Marudo at Josie Prendergast.

Si Josie ay naka-base sa Siargao at isa ring swimsuit model ng international brand na Billabong. At kuwento nga ng a­ming source, magdyowa na talaga ang dalawa.

Nag-private message sa amin sa Facebook ang isang matalik na kaibigan nina Zanjoe at Josie nu’ng Miyerkoles ng gabi para pa­salamatan kami sa naisulat naming feature tungkol kay Josie sa entertainment page ng Abante Tonite.

Natuwa si Josie sa title naming “Darling of the Sea” at sa artikulong naisulat namin.

Sa maikling palitan ng mensahe ng aming kausap, naisingit naming alamin kung magkarelasyon na nga ang dalawa. At walang kagatol-gatol naman nitong sinabi na magkasintahan na ang dalawa.

Hindi masyadong nakakapagsalita ng Tagalog si Josie pero mahusay siyang mag-Bisaya. Mahiyain din daw si Josie, kaya hangga’t maaari ay hindi raw ito nagpapa-interview.

Mahal na mahal ng mga taga-Siargao si Josie dahil sa pagiging mabait nito at down to earth. Nakikita nga namin sa kanyang Instagram post na kasama palagi ni Josie ang mga bata sa isla kapag nagsi-surfing siya.

Sa May 11 ay magtutungo sa Indonesia si Josie para sa isang ad shoot/TVC ng Billabong. Magkasama raw sina Josie at Zanjoe nu’ng oras na kachika ko ang aking source.

Harlene masaya sa bagong karelasyon

Hindi itinanggi ni Harlene Bautista na ilan sa mga anak niya ang hindi pa gaanong tanggap ang lovelife niya ngayon sa dating kasamahan sa “That’s Entertainment” na hindi pa niya pinapangalanan.

Sa birthday celebration cum presscon para sa muling pagtakbo ni Hero Bautista bilang konsehal sa District 4 ng Q.C. sa Anabel’s Tomas Morato, sinabi ni Harlene na hindi pa nakakapag-adjust ang iba niyang mga anak sa bago niyang personal life.

Nasa proseso na ng annulment ang kasal nina Harlene at Romnick Sarmenta.

Ayon kay Harlene, nakilala na ng kanyang mga anak ang bago niyang boyfriend, maging ng kapatid niyang si Hero. Busy pa raw ang kuya niyang si Q.C. Mayor Herbert Bautista kaya hindi pa sila nakakapag-usap.

Angelica suko na sa pag-ibig

Mas gusto na lang ni Angelica Pa­nganiban na maging positive ang pananaw niya sa buhay, at maging masaya sa lahat ng bagay lalo na ang mga blessing na tinatanggap niya.

Nag-post sa Instagram si Angelica ng happy mood shots niya habang nakataas ang kamay. Pagbubunyi niya ‘yon sa pagkakaroon ng limang milyong follower at sinabi rin niyang sana matulad din sa kanya ang “beautiful creatures” na maging happy gaya ng nasa larawan.

Mukhang wala talagang lovelife pa sa kasalukuyan si Angelica at sa post niya, tanggap na niyang mas masaya kung magiging positibo na lang ang pananaw niya.

Kumbaga, suko man sa pag-ibig si Ange­lica, feel na feel pa rin ang kaligayahan niya.

The post Zanjoe, Josie magdyowa na appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *