Zanjoe, Andrew, Ritz, Jinggoy, Yamyam pinaligaya mga OFW

Nagdaos ng MMFF Zoom Roadshow ang organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakailan kasama ang mga Pinoy celebrity sa upcoming MMFF films. Inanyayahan nga nila ang mga Pinoy, lalo na ang mga OFW, na tangkilikin ang mga pelikulang pasok sa MMFF ngayong taon.

The post Zanjoe, Andrew, Ritz, Jinggoy, Yamyam pinaligaya mga OFW first appeared on Abante.

zanjoe andrew ritz jinggoy yamyam pinaligaya mga ofw - Zanjoe, Andrew, Ritz, Jinggoy, Yamyam pinaligaya mga OFW
MMFF Zoom Roadshow - Zanjoe, Andrew, Ritz, Jinggoy, Yamyam pinaligaya mga OFW

Nagdaos ng MMFF Zoom Roadshow ang organizers ng Metro Manila Film Festival (MMFF) kamakailan kasama ang mga Pinoy celebrity sa upcoming MMFF films. Inanyayahan nga nila ang mga Pinoy, lalo na ang mga OFW, na tangkilikin ang mga pelikulang pasok sa MMFF ngayong taon.

Nanguna sina Zanjoe Marudo, Charlie Dizon, Keann Johnson, Andrew E, Ritz Azul, Jinggoy Estrada, Julian Estrada, Fumiya and Yamyam, pati na si PCOO (Presidential Communications Operations Office) Director Pebbles Duque na naging host ng naturang online event.

Dinaluhan ito ng mga OFW mula Hawaii, UK, Australia, UAE, Germany, Japan, Netherlands, Italy, USA, Trinidad and Tobago, Hong Kong ang event.

Tuwang-tuwa ang mga Pinoy OFW sa meet and greet kasama ang mga artista. Pinakita rin sa online roadshow kung paano mapapanood ang MMFF Films ngayong taon sa pamamagitan ng UPSTREAM, ang pinakabagong transactional video-on-demand (VOD) platform, and GMovies.

“Maraming mga Pilipino, lalo na mga OFWS, ang hindi makakauwi sa Pilipinas ngayong Pasko dahil sa pandemya. Kaya ninais namin na handugan sila ng munting kasiyahan sa pamamagitan ng MMFF films na maaari nilang mapanood saanman sila sa mundo. Tuloy ang Paskong Pilipino sa MMFF,” pahayag ni Director Duque.

“Nagpapasalamat kami sa MMFF sa pagpapaunlak sa amin upang i-recreate ang pinakamamahal nating tradisyon na panonood ng MMFF films tuwing Pasko, lalo na para sa mga OFWs na hindi makakasama ang kanilang pamilya. Ang mga pelikulang ito na sumasalamin sa kultura nating mga Pinoy, ay mapapanood na online, sa anumang parte ng mundo,” ani Albert de Larrazabal, Globe’s Chief Commercial Officer.

Ang sampung pelikula na kalahok sa taong ito ay ang mga sumusunod:

“Isa Pang Bahaghari” nina Phillip Salvador, Nora Aunor, Michael de Mesa, Zanjoe, Joseph Marco, Sanya Lopez.

“The Boy Foretold by The Stars” nina Adrian Lindayag, Keann Johnson.

“The Missing” nina Joseph Marco, Ritz Azul, Miles Ocampo.

“Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim” nina Vhong Navarro, Ritz Azul, Benjie Paras, Joross Gamboa, Ryan Bang, Ion Perez.

“Pakboys: Takusa” nina Andrew E., Janno Gibbs, Dennis Padilla, Jerald Napoles.

“Magikland” nina Miggs Cuaderno, Elijah Alejo, Joshua Eugenio, Princess Aguilar.

“Tagpuan” nina Iza Calzado, Alfred Vargas, Shaina Magdayao.

“Suarez, The Healing Priest” nina John Arcilla, Dante Rivero, Jin Macapagal.

“Fan Girl” nina Charlie Dizon, Paulo Avelino.

“Coming Home” nina Jinggoy Estrada, Sylvia Sanchez, Edgar Allan Guzman, Martin del Rosario, Shaira Diaz, Vin Abrenica, Julian Estrada, Jake Ejercito.

Para sa mga nasa ibang bansa, magsisimulang magbenta ng ticket sa Dec. 18. Pumunta sa UPSTREAM.ph upang malaman kung paano mapanood ang MMFF online. (Dondon Sermino)

The post Zanjoe, Andrew, Ritz, Jinggoy, Yamyam pinaligaya mga OFW first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *