Zaijian bagong Dolphy

Bading na bading nga ang dating si Santino sa pelikulang ‘Boyette: Not A Girl, Yet.’ Yes, ang dating nakikipag-usap kay ‘Bro’ sa teleseryeng ‘May Bukas Pa’ na si Zaijian Jaranilla ay gumaganap na ngayon bilang baklitang maharot.

The post Zaijian bagong Dolphy first appeared on Abante.

zaijian bagong dolphy - Zaijian bagong Dolphy
zaijan - Zaijian bagong Dolphy

Bading na bading nga ang dating si Santino sa pelikulang ‘Boyette: Not A Girl, Yet.’ Yes, ang dating nakikipag-usap kay ‘Bro’ sa teleseryeng ‘May Bukas Pa’ na si Zaijian Jaranilla ay gumaganap na ngayon bilang baklitang maharot.

At sa trailer ng Boyette, puwedeng sabihin na si Dolphy sa

Facifica Falayfay nga ang ginamit niyang peg, o kinopya niya.

“Originally dapat parang Facifica Falayfay po talaga ito. Parang ganun talaga ang story. So, nanood ako ng ilang clips ng movie na `yon.

“Pero dahil baka raw masyadong luma na, gumawa kami ng mas modern, para marami maka-relate,” sabi ni Zaijian.

So, si Dolphy nga kinopya o kinunan ng style ni Zaijian? At si Zaijian na ba ang next Dolphy?

“Naku po! Sobrang nakakataba ng puso na sinabi niyo yan sa akin. Pero, marami pa po akong kakaining bigas. At hindi ko pa po naiisip `yon.

“Pero ako po kasi, kapag may binibigay na role sa akin, ginagawa ko ang lahat, para gumanda.”

So, goodbye Santino na talaga ang image niya?

“Ang sa akin po kasi, nakilala ako bilang Santino. Mas marami nga po ang tumatawag sa akin bilang Santino kesa Zaijian. So, bakit ko siya aalisin? Bakit hindi ko na lang yakapin? Pero, gusto ko ring ipakita na mas marami rin akong kayang gawin. Si Santino bata pa ako noon. So gusto ko ipakita na iba na si Zaijian ngayon,” sabi na lang ni Zaijian. (Dondon Sermino)

The post Zaijian bagong Dolphy first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *