Young male personality DOM ang style sa panliligaw

Manang-mana sa kanyang pinagmanahan ang isang young male personality na kung makapanligaw ay akala mo isang D.O.M.. Mahilig siyang magregalo, spoiled na spoiled sa kanya ang girl, samantalang napakabata pa niya.

young male personality dom ang style sa panliligaw - Young male personality DOM ang style sa panliligaw
abante male - Young male personality DOM ang style sa panliligaw

abante give me 5 cristy fermin 336x224 - Young male personality DOM ang style sa panliligawManang-mana sa kanyang pinagmanahan ang isang young male personality na kung makapanligaw ay akala mo isang D.O.M.. Mahilig siyang magregalo, spoiled na spoiled sa kanya ang girl, samantalang napakabata pa niya.

At magaling siyang pumili ng ipangreregalo sa kanyang nililigawan, branded kung branded lang naman, may pinagmanahan din ang young male personality pagdating sa hilig niya sa mga branded stuff.

Kuwento ng aming source, “Kayang-kaya niya naman kasing magpabongga!

Napaka-rich ng family nila! Ano na lang ba naman ang ipinangreregalo niya sa girl, ni hindi makababawas ‘yun sa kayamanang meron ang pamilya nila!

“Kahit house and lot, e, kayang-kaya niyang magregalo, ganu’n sila kadatung, kaya maraming naiinggit sa girl!” natatawang pahayag ng aming source.

Pero hindi nagtagal ang kanilang pagliligawan, may umentra agad na kontrabida sa eksena, hindi kuno nagustuhan ng madir ng young male personality ang pagiging bonggacious ng kanyang anak sa panliligaw.

Patuloy ng aming source, “Natatakot siguro ang mommy niya sa pinagdaanan ng father niya na super-bongga ring magregalo sa mga nililigawan niya nu’n!

“Nagmana lang ang bagets sa daddy niya na kung magre-galo, e, walang habas, sky is the limit, dahil saganang-sagana ang mga naging karelasyon niya nu’n sa pagiging generous niya!

“Walang-wala ang mga regalong ihinahatag ng bagets sa nililigawan niya, okey lang naman ‘yun dahil napakabata pa nila ng girl!

“Naku, walang-wala ‘yun sa kalingkingan ng father niya, hindi nga ba’t kung i-spoil niya nu’n ang mga girlash niya, e, hitsurang may factory siya ng mga branded stuff?

“At may niregaluhan pa siya ng house and lot, hindi ‘yun maidedenay ng isang kilalang female personality na matagal din niyang nakarelasyon!
“Du’n siguro natatakot ang mommy niya, naku, mahirap na nga naman! Generous din ang binata niya na manang-mana sa pinagmanahan niya!” humahalakhak na pagtatapos ng aming impormante.

Kargada ni Gerald nakakaintriga

Tama ang kuwento ng mga magkakaumpukang kabaro ni Gerald Anderson. Sa pinakadulo ng kontrobersiyang pinasukan niya ay nganga ang aabutin niya.

Sabi pa ng isang machong lalaking hindi nagpapahuli sa pinagpipistahang issue, “Naghangad siya nang kagitna, isang salop ang mawawala sa kanya! Nawala na sa kanya si Bea Alonzo, hindi rin sila magtatagal ni Julia Barretto!

Ganu’n daw kasi ang kadalasang nagaganap sa kapalaran ng mga lalaking namamangka sa dalawang ilog. Kapag nagkabukingan na ay parehong nawawala sa kanya ang dalawang babae.

Sabi naman ng isang lalaki sa umpukan, “Kung ‘yun ba naman, e, inayos niya muna ang problema nila ni Bea, e, di napakaluwag ng daan para sa kanila ni Julia?”

Hindi na nakapagtataka ang mga ganitong komento, lalo na ang pakikisali ng mga kalalakihan sa kontrobersiya, kahit nga ang matataas na opisyal ng ating pamahalaan ay nakikilahok na rin sa kuwentong ito ng bayan.

Pero isang lalaki naman ang nagsabi na ang kaganapang ito raw ay pampataas ng premium ni Gerald bilang isang mangingibig. Marami raw maiintriga kung talaga bang karapat-dapat siyang pag-agawan ng mga kababaihan?

Sabi ng machong lalaki, “Aba, feeling ngayon ni Gerald, e, ang laki-laki ng kargada niya! Ano nga ang sabi ng mga becki? Super-delicious daw siya lalo ngayon dahil sa pag-aagawan nina Bea at Julia sa kanya!

“Ano raw ba ang meron siya na wala ang ibang lalaki? O, ‘di ba, kinaiinggitan pa ngayon si Gerald sa pinaggagawa niya? Ano nga ba kasi ang meron siya kaya ganyan ang mga babae sa kanya?” humahalakhak pang komento ng kabaro ni Gerald Anderson.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *